KABANATA 11

48.8K 420 20
                                    

KABANATA 11

SUSUNOD


Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ng function hall ay kaagad kaming pinalibutan ng media sa entrance ng room. Halos masilaw ako sa flash ng mga camerang kumukuha ng litrato sa amin ni Andrew.

"Congratulations, Ms. Marquez." Kaagad napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Kaya po ba kayo nagbalik ng Pilipinas ay dahil dito sa event na ito?" Ngumiti lang ako at walang balak na sumagot. Akmang papasok na ako sa loob ng mapukaw ng isang reporter ang atensyon ko.

"Bakit hindi na po kayo sa agency ng Sapphire Magazine? May alitan pa rin po ba kayo ng dati niyong talent manager? Totoo bang isa siya sa dahilan kung bakit kayo nawala noon?" Sunod-sunod na tanong nila sa akin pero nanatili lang akong tahimik dahil miski ako ay nagulat sa mga narinig ko.

Mabuti nalang ay hinarangan kaagad ni Andrew ang media na panay ang pagtatanong sa akin. Madali kaming pumasok sa loob. Naramdaman ko nalang na hinawakan ng mahigpit ni Andrew ang kamay ko at marahang hinahaplos ang hinlalaking daliri ko.

"Don't mind them. Alam mo kung gaano kakulit ang mga iyon. Pipigaain ka nila sa kahit anong paraan para lang may maisulat sila sa lintek na mga papel nila." Inis niyang pahayag.

"Sino yong talent manager ko sa Sapphire?" Gulat na napatingin siya sa akin kaya naman pinagtaasan ko siya ng kilay.

Ilang minuto pa kaming nasa ganoong lagay pero hindi niya naman sinagot ang tanong ko. Nang ilang sandali pa ay may lumapit na sa aming babae na halatang gulat din ng makita kami ni Andrew.

"Andrew!" Masayang bati niya at kaagad na napabaling si Andrew dito.

"Gianne." Seryosong bati niya at pagkaraa'y hinalikan ito sa pisngi.

I was about to get my hand from Andrew ng bigla niya itong hinigpitan. Mukhang napansin iyon ni Gianne kaya napabaling sa akin.

Gianne looks sophisticated and elegant. Wearing her white long lace gown and wore her hair blonde hair loose and pulled back, adding darker make-up. She stands 5'9 and not even wearing heals.

Halos magkasing tangkad lang kaming dalawa pero kung aalisin ko ang suot kong 2 inches na takong ay dehadong mas matangkad siya at mapapansin kaysa sa akin.

"Is she the one?" Tanong niya kay Andrew at kaagad namang nag-init ang mukha ko dahil sa tanong niya.

Humigpit lalo ang kamay ni Andrew kaya napatingin ako sa kanya at ang loko-loko ay nakangisi lang kay Gianne. Palihim ko siyang siniko at nabaling ang atensyon niya sa akin. He had a twinkle in his eyes and couldn't help but smile.

"Summer Marquez, this is Gianne Montenegro. She's the event organizer and the one who decorated this room." Kaagad akong napalibot ng tingin at manghang napabalik ng tingin kay Gianne.

"Nice to meet you. You did a great job."

"Pleasure to meet you, Summer. Indeed, no one will doubt your godlike beauty. It's nice you're finally back." Napangiti lang ako sa kumento niya though it made my heart flutter. Kahit kasi ilang beses ko ng naririnig iyon sa iba't ibang tao ay hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon nga ako kaganda.

"George!" Tawag ni Gianne kaya napabaling kaagad ako sa direksyon kung saan siya nakatingin.

Kaagad na kumalabog ang dibdib ko sa hindi malamang kadahilanan. Para bang hindi ko nagustuhan ang pangalang binanggit ni Gianne kahit na alam ko naman na hindi dadalo ang babaeng iyon.

George... Where the hell did I hear that name?

Pero kaagad na nagwala ang puso ko ng sandaling maaninagan ko iyong babaeng papalapit sa amin. She's wearing red revealing dress with deep neckline cut. She walks like a pro, showed off every inch of her stunning figure, flashing the flesh despite the cold.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon