Si Chloe po yung nasa picture. Thank you!
----
[Chloe's POV]
"Ms. Villanueva. Show us your talent."
OMG! Kinakabahan ako. Pero nagawa ko pa rin naman na tumayo at pumunta sa may gitna. Kailangan kong maging maayos sa audition na ito para maging trainee na ako. Nandito ako sa sikat na school of arts sa Pilipinas, ang 'Woolim Academy'. Kailangan kong matanggap dito, kasi dito nakasalalay ang future namin ng pamilya ko.
Pumikit muna ako bago ako nagsimulang kumanta.
"You by the light
Is the greatest find
In the world full of wrong
You're the thing that's right."
Binuksan ko ang mata ko at tinignan kung anong itsura ng mga judge, pero hindi naman sila umaapila. At parang hinihintay kung ano ang kaya kong ipakita.
"Finally made it, through the lonely
Through the other side.
You said it again my heart's in motion
Every word, feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotion
Watching the shadows burn in the dark."
"Okay, thank you." tumigil naman ako at tinignan ko sila. Nakatingin din naman sila sakin.
"Bakit mo gusto maging singer?" tanong ng lalaking judge
"Gusto ko po maging singer kasi alam kong ito ang makakatulong samin ng pamilya ko. Ito ang makakatulong samin para umahon sa hirap. Pero hindi lang po iyon. Gusto ko maging singer kasi gusto ko ang pagkanta, mahal ko ang pagkanta." sagot ko naman
Inabot naman sakin ng judge na babae ang isang papel kaya kinuha ko iyon.
'You passed. Congratulations.'
"Waaahh. Thank you po. Gagalingan ko po talaga." sabi ko naman tsaka tuluyang nilisan ang audition room. Yes. Malapit na ako sa pangarap ko. Kakayanin ko to. I will be a singer someday.
[Iya's POV]
"So Ms. Lazaro, what talent are you going to show us?"
Hindi na ako nagdalawang isip pa, tatanggalin ko na muna ang hiya hiya sa ngayon. Pinaplay ko ang music ng Infinite na bad girl at sinayaw ang step ng mismong kanta.
Bahala na! Kailangan kong matanggap sa audition na to. Kasi gusto kong sumikat at gusto kong maging isang magaling na dancer.
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...