[Pau's POV]
Habang tumatagal, mas napapansin namin ang closeness ni Ian at Chloe.
Mukang nagugustuhan na ni Chloe si Ian.
Sa lunch lagi na silang magkasama, tapos lagi pa silang nagtatawanan.
Kagaya ngayon, sila nanaman magkasama ng Ian na yun! Ano? Sila na ba? Wow ah!
"Mga titig mo pre!" puna ni Brent sakin
"Ano?"
"Nakakamatay eh." dugtong naman ni Ashton
"Kayong dalawa talaga! Hilig niyong awayin tong si Paulo! Tigilan niyo na nga siya." suway naman ni Iya sakanila
"Eh kasi naman, ang torpe eh. Naagaw na sakanya wala pang ginagawa." sabi naman ni Ashton
"Sila na ata eh." sagot ko naman sakanila
"Bitter naman this guy." puna ni Sami sakin
"Hindi ako bitter, sinasabi ko lang naman kung ano ang nakikita ko."
"Alam mo, tanungin mo kasi si Chloe. Malay mo friends lang naman sila." sabi naman ni Iya sakin
"Friends? Laging magkasama."
"Tsk! Tanungin mo na kasi pre!" sabi naman ni Brent sakin
"Bahala na, mag-iipon muna ako ng lakas ng loob."
Tumingin ulit ako sa pwesto nila Ian at Chloe. Nagtatawanan sila. Ang saya saya nilang tignan, kahit sinong makakita sakanila iisipin na sila na eh.
Napatingin naman si Chloe sakin. Napansin niya pang nakatingin ako dahil kumaway siya sakin, tumingin nga rin si Ian sakin eh.
Tumango lang ako kay Chloe tsaka ibinalik ang tingin kela Sami.
"Sige, mauuna na ako sa room." pagpapaalam ko naman sakanila
Tumayo na ako at naglakad pabalik sa room. Habang naglalakad ay natapilok yung babaeng nakasalubong ko.
I don't know kung taga-department ba namin siya. Pero basta hindi siya kasama sa special class kaya hindi ko siya kasama.
"Okay ka lang?" tanong ko naman sakanya
"Ah, oo. Thank you." sagot niya naman. Tinulungan ko siyang tumayo, pero mukang nasprain siya dahil napaupo ulit siya.
"Nasprain ka ata." puna ko naman sakanya
"Awww." bulong niya ng pindutin ko yung paa niya.
"Nasprain ka nga, sumakay ka na sa likod ko." sabi ko naman tsaka umupo para makasampa siya.
"Wag na, nakakahiya naman." sabi niya sakin
"Dali na." sabi ko naman kaya wala siyang nagawa kundi ang sumakay sa likod ko.
"Thank you. Ano palang pangalan mo?" tanong niya sakin habang naglalakad na ako papunta sa clinic.
"Paulo. Ikaw? Tsaka anong department ka ba?" tanong ko naman sakanya
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...