Chapter 49

228 5 0
                                    

[Chloe's POV]

Magkikita kami ni Pau ngayon. Nauna ako sa kitaan place namin, baka kasi nagpapractice pa siya.

Nakamask and nakacap ako since di pwedeng makilala ng mga tao.

Bigla namang may nagtakip sa mata ko. Napangiti nalang ako kasi si Pau na yun for sure.

Pagkatanggal ng kamay niya ay siya nga agad ang bumungad sakin.

"Kanina ka pa?" tanong niya sakin

"Hindi naman." nakangiti kong sambit sakanya

"Sorry ah, nagpractice pa kasi kami." nakangiting sabi niya naman

"Okay lang." sagot ko naman

Sasagutin ko na talaga si Pau ngayon. Ayoko sanang patagalin na, kasi matagal tagal nanaman bago kami magkita ni Pau for sure.

"Umm, pau." pagtawag ko sakanya

Sasagot na sana siya ng makita ko ang CEO ng entertainment kung san ako nagtetrain. Patay!

"Tara na." hinila ko siya palabas ng cafe hanggang sa medyo makalayo na kami ay tsaka lang ako tumigil.

"Ano yun?"

"Nandun yung CEO namin."

"Eh ano naman?" tanong niya

"Eh syempre! Malalagot tayo."

"Hindi ka naman makikilala eh." sagot niya naman

"Kahit na, mabuti na ang nag-iingat tayo."

"Minsan na nga lang tayo magkasama iniintindi mo pa mga ganung bagay. Tsaka ano naman kung makita tayo? Ganun mo ba ako kinahihiya at ganun ka ba katakot na mawala ka sa showbiz na to? Dahil lang sa binawal na magkita tayo gagawin mo na? Iintindihin mo talaga sila? Wow, Chloe." sabi niya tsaka bumuntong hininga at iniwan akong mag-isa

Hindi ko naman siya gustong magalit and di ko rin naman siya ikinakahiya. Ginagawa ko lang din naman yun para sakanya kasi pangarap niya to eh, sa isang maling galaw lang pwedeng mawala lahat ng pinaghirapan niya at pinaghirapan namin.

Hindi naman sa mas mahalaga yung career ko kesa sakanga kaya lang syempre ito lang yung way para maiahon ko sa hirap sila Nanay diba?

Hindi ko naman habang buhay itatago to, sasabihin ko rin naman once na maging at settled na lahat.

Sasagutin ko pa man din siya pero nangyari pa ang bagay na to. Nakakainis.

Pero di ako galit kay Pau, naiintindihan ko siya, sobra. Kaya lang kailangan intindihin niya rin ako. Di ako selfish, kung alam niya lang kung gaano ko siya kagustong ipagsigawan sa buong mundo, kaya lang di pa kasi pwede. Kasi di lang naman ako ang damay dito, siya rin naman.

Kahit na nakapagdebut na kami, kahit na marami na ang nagkakagusto saamin, di pa rin tiyak na magiging okay ang lahat. Sa ngayon, kailangan muna namin sumunod. Kasi wala pa kami sa posisyon na angat kami.

Umuwi ako sa bahay at tahimik na nahiga sa kama ko.

Tumingin ako sa paligid ko. Hindi na ito yung bahay namin na maliit. Ito na yung bahay na katas ng pinaghirapan ko.

Naibigay ko na sa nanay at tatay ko ang bahay na pangarap nila. Ang isang maayos na bahay.

Napangiti ako ng konti. Ito ang kapalit ng pagiging isang singer ko, mabibili ko ang kailangan at gusto ng mga magulang ko at ng kapatid ko. Nabawi rin ang ngiti sa labi ko dahil pumasok sa isip ko si Pau. Pero kapalit naman ng mga bagay na ito, nahihirapan naman si Pau.

***

Malungkot ako kasi di talaga nagtext si Pau sakin kagabi. I guess galit talaga siya sakin. Nagsorry na naman ako sa text sakanya pero wala siyang reply so hinayaan ko nalang muna. Baka magpapalamig lang ng ulo.

Lumabas na ako ng kwarto ko at nagulat naman ako ng makita si Pau sa sala habang nilalaro si John.

Ngumiti naman si Nanay sakin at sumenyas na 'magbati na kayo.'

Lumapit ako sakanya at napatingin naman siya sakin. Nilapag naman niya si John sa upuan at binulungan. Umalis naman si John.

Siguro sinabi niyang mag-uusap kami.

"Sorry." sabi niya bigla

"Huh? Ako dapat magsorry, nasaktan kita kagabi."

"No, ako rin dapat magsorry. Naging selfish ako kagabi, di ko inisip nararamdaman mo. Matagal mo na rin pangarap ito tapos sisirain ko."

"Ano ka ba, Pau. Naiintindihan kita, wag ka nga ganyan. Di mo ko sinisira, tandaan mo yan. And gusto ko rin naman isigaw sa buong mundo na ikaw yung manliligaw ko, kaya lang di kasi pwede pa."

"Alam ko. Ikakasira nating dalawa yun. Kapag ka ginawa natin yun pwedeng malaos agad tayo."

"Hayaan mo, masasabi rin naman natin in public yan."

"Tsaka sorry din pala Chloe."

"Bakit ulit?" naguguluhang tanong ko

"Kasi nagalit ako sayo, samantalang hindi naman tayo."

Napangiti naman ako. Naalala ko kasing sasagutin ko nga pala siya.

Sige pagtripan ko nga muna.

"Oo nga pala noh, hindi nga pala tayo tapos nag-walk out ka kagabi. Iniwan mo ko. Dapat pa ba sagutin mga ganung klase ng lalaki? Sa tingin mo, Pau?"

"Uy sorry na, Chloe. Di ko naman sinasadya, nadala lang ako ng init ng ulo at pagod kagabi. Di na mauulit. Promise. Kahit matagalan ka pa sa pagsagot okay lang basta wag mo ko hindi sagutin, please?"

Napatawa naman ako ng palihim.

"Sure ka? Kahit matagalan na ako sa pagsagot? Sige, balak pa man din kita sagutin ngayon pero sabi mo okay lang kahit matagalan eh."

"Huh? Ah eh, sige pwede mo na ako sagutin kung ngayon mo naman pala binalak diba." nakakatawa ang itsura niya

Hindi ko na napigilan at napatawa na talaga ako.

"Hahaha. Sige na, boyfriend na kita." nakangiting sambit ko

Bigla naman siyang napayakap sakin ng sobrang higpit.

"Thank you, Chloe. Di mo alam kung gaano ako kasaya na tayo na. Bukas na bukas din invited ang buong barkada para sa celebration."

Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Baliw talaga ang lalaking to. Sinagot ko lang, pakain agad.

"Tara, date tayo ngayon." sabi niya naman atsaka ako hinila palabas ng bahay

Thank you Pau, because you never get tired loving someone like me. Thank you, for loving me.


---------

Let's do this!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon