[Chloe's POV]
"Unti-unti na nating nabubuo ang mga pangarap natin, Pau." nakangiting sambit ko
"Oo nga eh. Magiging busy na rin tayo. Baka di na rin nga tayo magkita kita." sabi niya namaan
"At bakit naman yun mangyayari?" tanong ko naman
"Oo nga naman. Di yun pwede mangyari!" nakangiting sambit niya naman
Napatawa naman kaming dalawa. Nasa may coffee shop kami ngayon at nag-uusap. Next week kasi sa kanya kanyang entertainment na kami papasok at di na sa academy.
Kinakabahan ako sa totoo lang. Paano kung wala akong maging kaibigan dun diba?
"Ang lalim naman ata ng iniisip mo? Natatakot ka ba?" tanong niya sakin
"Naisip ko lang kung anong magiging buhay ko. Magkakahiwalay na tayo ng mga landas."
"Wag ka mag-alala, may ibang tao ka pang mamimeet dun na makakatulong mo rin." nakangiting sambit niya naman tsaka ginulo ang buhok ko.
****
Nakatayo na ako sa tapat ng Crush Entertainment kasama ko si Brent.
"Let's do this, Brent!" nakangiting sabi ko naman sakanya
"Yes. New life and new friends." nakangiting sagot niya naman sakin
Pumasok na kami sa loob ng entertainment. Pinapunta muna kami sa office ng CEO ng company.
"Goodmorning po, maam." sabay na sabi namin ni Brent.
"Kayo ang new trainees from woolim academy, right?" tanong niya samin na tinanguan naman namin ni Brent
"If I'm not mistaken you are Chloe and he's Brent. Tama ba?"
"Opo." sagot ko naman
"Okay. So I'll be looking forward sa talents niyong dalawa. Pinaplano na namin yung new group na magdedebut. It will be a mixed group. Boys and girls, so I hope you can fill up yung posisyon na wala pa." nakangiting sabi niya naman samin.
"Makakaasa ka po, maam." sabi ko naman
Pagkatapos namin makipag-usap ay dinala kami sa isang room nung parang secretary at ipinakilala kami sa mga ibang trainees na mula sa ibang academy naman. Mas matagal na silang trainees kaya kailangan may respeto kami.
"Wag kayong kabahang dalawa, nandito lang kami to help you. Kung mauna man kayong magdebut samin, okay lang. Basta tulungan dito." nakangiting sambit naman nung isang babae dun. Maganda siya. Di ko siya kilala kasi di pa siya nagpapakilala.
"By the way, I'm Koreen. Basta wag kayo mahiya na lumapit saming lahat. We're one family dito sa team na ito. We're the idols team nga pala since we"re training to be idols." nakangiting sabi niya ulit.
"Thank you po, ate Koreen." nakangiting sambit naman namin ni Brent.
Mababait silang lahat sa idol team. Parang pamilya talaga ang turingan sa bawat isa.
Pumunta naman muna kami ni Brent sa coffee shop ng company nung breaktime na.
"Grabe, buti mababait yung idol team noh?" sabi niya naman sakin
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...