Chapter 48

233 6 2
                                    

[Ashton's POV]

Nagpapractice kami ngayon ni Pau kasi meron kaming guesting bukas sa isang music show.

"Break muna." suggestion naman niya na tinanguan ko

Kinuha ko naman ang phone ko atsaka nagcheck ng feeds sa facebook. Baka may update ako na magustuhan.

Pero halos maibato ko naman ang phone ko ng makita ko kung ano ang kumakalat na litrato. It's Sami and he's kissing that Leo guy!

"Nakita mo na ba ashton?" pagtatanong sakin ni Pau. Alam ko naman din kung anong tinutukoy niya pero di ako sumagot. Tahimik lang ako at nakatingin sa picture.

Wow! So naglevel up na ang pagpapanggap? Kung dati holding hands lang ngayon kiss na? Bakit hindi na ba kuntento mga fans nila? O baka naman may gusto na talaga sila sa isa't isa?

Kinuha ko naman ang jacket ko at agad na tumakbo palabas. Narinig ko pa ang pagtawag ni Pau sa pangalan ko pero di ko na siya nilingon.

Nagtext ako sakanya na lumabas sa building nila at nag-aantay ako. Sumagot naman siya ng okay, pero alam kong alam niya na kung bakit ako sumugod.

Naaninag ko na siyang lumabas at nakita na rin niya ako. Unti unti siyang lumapit sakin kaya naglakad na rin ako unti unti ng masundan niya kung san ang tungo ko. Pumasok kami sa coffee shop na konti lang ang tao. Not crowded and ganun din ay nakadisguise pa rin kami.

"What's that all about?" tanong ko at tinignan siya sa mata

"Ashton, wala yun."

"Wala? Eh hinalikan ka!" napalakas ang boses ko kaya napatingin ang iba sakin, yumuko nalang ako.

"Hindi ko naman ginusto yun. It was so sudden." pag-eexplain niya

"Sami, may choice ka naman magrefuse eh." naiiritang tugon ko

"Pero kasi di ko naman alam na hahalikan niya ako. Bigla lang yun, hinila niya lang ako. Wag ka naman magalit, di ko naman ginustong halikan siya kahit na nagpapanggap kami."

"Ay ewan ko! Basta naiinis ako!" sambit ko naman

Hinawakan naman niya ang kamay ko pero hinawi ko yun. Naiinis kasi ako eh.

Narinig ko naman ang buntong hininga niya. Halatang malungkot siya.

"Sige, magpalamig ka muna ng ulo ah? Usap ulit tayo pag okay ka na. Basta tandaan mo I love you, wala lang talaga yun. Sorry ulit. Sa susunod magiging alert na ako."

Tumayo siya atsaka umalis pagkatapos niya sabihin yun. Malumanay lang siya, di siya nagalit sakin. Di ko rin alam pero gumaan ang pakiramdam ko bigla. Parang may power talaga siyang pampakalma.

Bumalik nalang din ako sa entertainment at naabutan kong nakaupo si Pau sa sahig sa loob ng studio.

"Oh, ano nangyare? Okay ka lang? Di ka naman nakipagsuntukan?"

"Hindi." plain na sagot ko

"Anong ginawa mo dun? Grabe natakot ako! Akala ko susuntukin mo na yung Leo na yun." sabi niya naman habang hawak ang dibdib niya

Hindi na ako nagsalita pa. Tahimik lang ako na nakatingin sa kawalan at kinagat ko ang labi ko.

Kahit wala yun, nakakainis pa rin at nakakaselos. Kasi iba yun eh, hinalikan niya si Sami. And iba talaga feeling ko sa lalaking yun. Halatang gusto niya si Sami.

"Kumalma ka pre ah. Wag ka na nga sumugod ulit ng ganun, pinakakaba mo ko." sabi niya tsaka ako tinapik at lumabas sa kwarto

Kung nasa sakin lang ang choice di ko itatago na kami na ni Sami! Wala naman akong pake kung sisikat ako or hindi, ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng buhay na gusto ko, hindi yung kontrolado ng kung sino.

Maya maya ay kumalma na naman ako. Sige, pupuntahan ko nalang ulit si Sami mamaya after ng practice namin ni Pau.

Bumalik na rin naman si Pau at nagpractice na ulit kami.

Pagkatapos na pagkatapos ng practice namin ay chineck ko kaagad ang phone ko. Balak ko itext si Sami ngayon, pero may text na siya kaagad sakin. Gusto niya makipagkita sa labas.

Hindi na naman ako nagdalawang isip pa at nakipagkita na rin ako sakanya.

Pagdating niya ay hinawakan niya kaagad ang kamay ko.

"Okay ka na ba?" tanong ko sakanya

Ngumiti naman ako sakanya atsaka hinawakan ang muka niya.

"Okay na ako. Sorry kanina."

Ngumiti lang siya pero di na siya nagsalita ulit.

"May gusto ka ba gawin ngayon?" tanong ko naman sakanya

"Wala. Gusto lang kita makasama." sagot naman niya

Napangiti naman ako ng sabihin niya yun.

"Atsaka may good news ako sayo." nakangiting sabi niya

"Ano?"

"Irerelease na na wala na kami ni Leo."

"Huh? Pano nangyari?" tanong ko

"I told them already na dinedate kita and that di naman natin sasabihin on public, but ayoko na ng ganun na tsismis."

Bigla ko naman siyang niyakap dahil sa sobrang saya ko dahil sa balita niya sakin.

"Thank you, Sami."

-----

(A/N: Grabe sobrang tinatry ko ibalik yung feels ko sa story na to pero wala na talaga huhuhu. Sorry sa konting update. Aayusin ko yung nrxt pero. Last 2 chapters nalang then epilogue na. Sorry talaga!)

Let's do this!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon