[Pau's POV]
"Tara na sa may bulletin board, Pau." pagyaya sakin ni Chloe atsaka ako hinila patayo mula sa upuan ko.
Ang totoo kasi niyan, natatakot akong tignan ang resulta dahil baka hindi ako nakuha.
Nasa may tapat na kami ng bulletin board at bago ko pa mabasa ang mga nakalistang pangalan ay pumikit na ako. Kinakabahan talaga ako.
"Buksan mo yung mata mo, Pau!" utos ni Chloe sakin
"Teka lang, kinakabahan ako." sambit ko naman
"Buksan mo na kasi! Dalian mo!" sigaw niya at niyugyog pa ako
Unti unti ko namang binuksan ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko pa ang malakas na kabog ng puso ko.
Inilapit ko ang muka ko sa papel na nakapaskil sa bulletin board para mabasa ko ang mga pangalan na nakapaskil.
"Congrats!" sambit ni Chloe at pumalakpak pa
Nakita ko ang pangalan ko sa ilalim ng isang entertainment.
"Natanggap ako, Chloe." sambit ko
"Natanggap tayong anim." nakangiting saad ni Chloe
"Talaga?!"
"Yes. Pero iba ibang entertainment tayo."
"Okay lang yun, atleast sabay sabay tayong magiging rookies."
"Under ako ng Crush Entertainment, kasama ko dun si Brent. Si Sami at Iya naman ang nakuha sa Platinum entertainment. At ikaw naman pati si Ashton ay sa Power Entertainment." sabi naman ni Chloe sakin
"Bumalik na tayo sa room at sabihin natin kela Ashton yung balita." nakangiting sambit ko
Pabalik na sana kami nang makasalubong namin si Ian.
"Hi Chloe!" nakangiting bati niya kay Chloe
Edi wow! Papansin talaga.
"Hi Ian." ito namang isang to, ngiting ngiti rin.
"Nakita ko na natanggap ka. Magiging rookie ka na, Chloe. Congratulations." ginulo niya pa ang buhok ni Chloe
"Uy tara na, Chloe. Sasabihin pa natin kela Brent diba!" pagsingit ko naman sakanila
"Ay oo nga. Sige Ian, una na kami ah."
"Teka Chloe." ano nanamang kailangan ng lalaking to? Daming pasubali.
"Ano yun?"
"Sabay tayong kumain ng lunch. Ililibre kita." nakangiting sabi niya pero agad na napawi dahil sa sagot ni Chloe.
"Sorry, gusto ko makasabay mga kaibigan ko eh. Sa susunod nalang siguro."
Nagpaalam na ulit si Chloe at tuluyan na kaming bumalik ng room.
"Nakita niyo na ba kung sinong mga natanggap?" tanong ni Iya pagkapasok namin
"Oo." sagot naming dalawa ni Chloe
"Shocks. Natanggap ba tayo sa kahit anong entertainment?" tanong naman ni Sami
"Oo, natanggap tayong anim. Pero magkakaiba nga lang ng entertainment."
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...