Chapter 5

1K 28 0
                                    

Si Brent po yung nasa picture :)


---


[Brent's POV]



Bagong umaga nanaman. Hays!



"Nay, tay, alis na po ako." pagpapaalam ko sakanila



"Anak, mukang pagod na pagod ka ah. Mahirap ba? Kung mahirap aba'y wag mo na ituloy. Pag-aaralin ka nalang namin sa isang simpleng unibersidad. Kahit na mahirap, igagapang namin. Kakayanin namin anak." sabi naman ni Tatay. Pero hindi naman ako baliw para bitawan pa tong oprtunidad.



"Tay, wag na po. Kaya ko po. Kakayanin ko po." sabi ko naman tsaka nagmano sakanila at umalis.



Habang naglalakad ako, sakto naman na nakita ko rin si Iya na naglalakad. Nakayuko siya at mabagal ang paglakad niya.



"Uy." pagtawag ko sa atensyon niya. Napatingin naman siya sakin atsaka ngumiti. Pero halatang hindi okay ang pagngiti niya. Halatang may problema siya.



"Problem?" tanong ko naman sakanya



"Wa..Wala." kahit na kahapon palang kami nagkakilala. Nako naman! Halatang nagsisinungaling. Nauutal pa.



"Sige, kunwari naniniwala ako." sarcastic na sabi ko sakanya. Napabuntong hininga naman siya at tumingin sakin.



"Nag-away kami ng parents ko."



Hindi ako nagsalita at tinignan siya na parang sinasabihang, sige ituloy mo lang.



"Hindi kasi nila gusto ang idea na to. Itong pinasok ko, ayaw nila. Hindi nila gusto tong pangarap ko. Sabi nila wala akong papatunguhan. Akala nila hindi ko tinuloy, pero kagabi syempre nalaman na nila, pinagalitan nila ako. Ayaw sana nila ako papasukin ngayon pero tumakas ako. Sabi nila sa text pag-uwi ko, umalis na raw ako sa pamamahay na yun."



"Hindi naman siguro totoo yun. Anak ka nila eh. Hindi nila kayang gawin yun."



"Akala mo lang. Nagawa nga nila sa kuya ko eh. Kaya hanggang ngayon, hindi ko alam kung nasaan si Kuya. Ang course kasi na gusto ni kuya nun, Pharmacy. Pero ang gusto nila mama na ipakuha sakanya ay engineering. Pero tinuloy niya pa rin ang pag-eenroll sa course na Pharmacy, nung nalaman yun nila mama, sinabihan siya na magshift na siya ng course. Pero ayaw ni Kuya dahil ayaw niya talaga mag-engineering. Kinabukasan pag-uwi ni kuya galing ng school nasa labas na ang maleta na may laman na damit niya. Kung di niya raw kaya sumunod, umalis nalang siya." malungkot na pagkwento niya naman sakin. Pero grabe naman yun.

Let's do this!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon