Si Sky yung nasa picture po :)
----
[Iya's POV]
Hawak hawak ko pa rin yung jacket niya habang nakasunod sakanya. Sabay naman kasi kami umuwi pero hindi kami nag-uusap or magkatabi maglakad. Mas nauuna siya lagi.
Gusto ko rin kasi tong pwesto ko para kahit papano nakikita ko ang likod niya.
Ibabalik ko na yung jacket niya sakanya, dahilan na rin yun para makausap ko siya.
Binilisan ko ang lakad ko para maabutan ko siya.
"Brent."
Lumingon naman siya sakin.
"Ito nga pala. Salamat ah." sabi ko naman sabay abot ng jacket niya
"Wala yun." sagot naman niya
"Umm, ang galing mo pala sumayaw kanina. Clap clap!" sabi ko naman atsaka pumalakpak din sa harap niya
Tumingin naman siya sakin ng seryoso. Sabi ko nga hindi ko na siya dapat kinausap pa.
"Sorry." sabi ko atsaka naglakad paatras para hindi na kami magkasabay
Matagal bago siya naglakad ulit. Pagkatapos nun wala na kaming naging imikan hanggang makarating sa bahay nila. Naabutan namin si Sky na nagcecellphone sa may sala.
"Hindi ka pa nagluto?" tanong ko naman sakanya. Wala pa kasing nakaluto na pagkain eh.
Sa totoo lang, masama rin naman ang pakiramdam ko ngayon kaya medyo nahihilo ako. Mabigat din kasi ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...