Ashton on the Picture :)
----
[Sami's POV]
Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng biglang lumapit samin ang 4 na babae. And yes it's Trina with the gang.
"Hi guys!" bati niya samin. Be nice Sami!
Gustong gusto ko na siyang irapan dahil isa siyang dakilang plastic na halata namang nagpapapansin lang kay Pau.
"Hello. Trina right?" tanong ni Ashton
"Yes. Akala ko hindi niyo ako kilala."
"Of course kilala ka namin. Classmates tayo noh. Halos lahat naman sa room kilala namin eh. Kahit na kahapon lang tayo nagkakilala." sagot naman ni Brent habang kumakain pa rin
"Sorry, pero hindi ko masyadong matandaan mga names niyo eh." pagkukunwari naman niya. Hindi matandaan eh gusto mo nga si Pau. Tsk.
Simple kaming nagtitinginan nila Chloe.
"I'm Trina. Nice meeting you again." sabi niya naman tsaka nilahad ang kamay niya dun sa tatlong boys
"Ashton, call me Ash for short." nakipagkamay din naman siya pagkatapos.
"Brent." inabot din naman ni Brent yun
"Paulo, but call me Pau." and yes, hindi naman siya bastos kaya inabot niya rin ang kamay ng plastic na babaeng yun.
"Congrats pala sainyo guys!" sabi niya naman samin
"Salamat." sagot naman ni Brent
Tinapos na rin naman naming tatlong babae ang pagkain namin. Actually nawawalan lang ako ng ganang kumain eh. Pano ba naman, nandito tong mga plastic na to. Nakakainis.
"Sige, we need to go na ah. Kita nalang sa room." sabi naman ni Ashton. Nakita ko naman kung gano sila kadisappointed. HAHA. Nakakatawa.
Nang makalayo na kami ay napairap ako ng kusa. Nakakainis kasi eh! Ang lalandi.
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...