Chapter 45

289 7 0
                                    

[Ashton's POV]



Pinagbawalan ako ng agency namin na makipagkita sa kahit kaninong babae sa ngayon. Nakakainis!



Paano ko makikita si Sami? Pero alam kong gusto lang naman nila na makapagdebut kami ng maayos. Pero di ko naman kayang isaalang-alang si Sami diba?



Napag-usapan namin na magkita ni Sami ngayon. Alam kong alam niyang nagkaroon ng issue samin.



Maya maya lang ay dumating na rin sya sa meeting place namin. Nakatodo disguise talaga siya.



"Hi." mahinhin na bati niya sakin



"Hello." sagot ko naman sakanya



Umupo na rin naman siya sa upuan sa tapat ko.



"Ashton, alam kong nakipagkita ka sakin dahil dun sa issue na lumabas about satin." sabi niya



"Oo, pero di naman ako iiwas sayo or what. I just want to ask you, kung anong sinabi sayo ng manager mo at ng mismong agency mo."



"Pinatawag nila ako ng lumabas ang issue na yun at sinabi nilang maraming fans ng S&L ang nainis dahil akala nila kami ni Leo. So nagdecide ang CEO ng agency namin na palabasing wala lang yung issue. Na we're just friends, which is totoo naman. But hindi lang yun. Our agency will release a statement later na sinasabing Leo and I are in a romantic relationship." sabi niya naman. Parang nabingi ako ng sabihin niya ang last part.





So it means magpapanggap sila? Shoot. Pano pag nainlove talaga si Sami sa lalaking yun? Pano if maging real sila?





"Pumayag ka naman?" alam kong bakas sa tono ng boses ko ang pagkainis.





"Wala akong choice."





"Meron ka naman sigurong choice to refuse that kind of story. Ano yun? Magpapanggap kayo? Mag act kayong sweet sa harap ng maraming tao? Akala ko ba may iba kang gusto? Pano kung gusto ka rin nung gusto mo?! Edi ano?" I don't care kung ang pathetic ko na tignan or kung wala namang kwenta mga sinasabi ko. Basta naiinis ako.






[Sami's POV]





Hindi ko magets si Ashton kung bakit parang galit na galit siya ngayon. Para namang ginusto ko to mangyari. Kung ako ang pipili hindi ko naman ipapakalat na kami ni Leo. Alam naman nating lahat kung sino talaga ang gusto ko at si Ashton yun. Siya lang naman talaga.





"Hindi ako gusto nung gusto ko." Alam kong di naman talaga ako gusto ni Ashton, kaya wag siya maghysterical na baka gusto rin ako. Kasi di naman niya ako gusto.





"How sure are you?" tanong niya sakin





"Alam ko lang."





"Oo sige di ka nga gusto ng gusto mo, pero di naman tamang pumasok sa relasyon na di mo naman mahal yung tao." hindi talaga siya matigil. Di ko alam anong pinaglalaban ng lalaking to.





"Eh bat ka ba nagagalit? Di ko naman to ginusto. Gusto ko rin naman makasama yung taong totoong gusto ko. Siya yung gusto ko maging boyfriend, pero anong magagawa ko?"





"Hay ewan ko. Walang patutunguhan tong usapan na to. Bahala ka na, maging kayo ni Leo kung gusto mo." tatayo na sana siya kaya nataranta ako at napasabi ng mga salitang di ko inasahang lalabas mula sa sarili kong bibig.





"Ikaw yung gusto ko." Shoot! Great, just great. Napapikit ako ng mata.





Napako sa kinauupuan niya si Ashton at nakatitig lang sakin.





Alam ko, alam ko namang di niya ako gusto. Kaya expected na magiging ganto ang reaksyon niya.





Okay, bat parang masakit?





"I should go." sabi ko naman at akmang aalis na ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hilahin papunta sa parking.





Walang tao, kami lang dalawa. Tahimik ang paligid.





Nakatayo kami dun at nakatingin sa isa't isa.





Nakadisguise naman kami kaya wala ring problema.





"Pakiulit nga ng sinabi mo."





"Nasabi ko na, ayaw ko na sabihin ulit."





Umiwas ako ng tingin sakanya at nilaro ang nga daliri ko. Pero hinawakan niya ang kamay ko at inangat niya ang ulo ko. Nakatitig siya sa mga mata ko, naiilang ako.





Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi. Saglit na halik lang, pero parang matutunaw ang katawan ko.





"Gusto rin kita. I don't know kung kelan nagsimula pero I like you, I really do. Pwede bang ako nalang ang maging boyfriend mo?"





"Pero..."





"Kahit sikreto lang, basta alam kong akin ka."





Nakangiti siya sakin, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.





Tumango ako kaya bigla niya naman akong hinila para yakapin.





"Simula ngayon, akin ka na at sayo naman ako." sabi niya naman atsaka ako hinalikan ulit sa labi.





*****




After that day na nagkaaminan kami, tinetext niya na ako. Tho, dati naman na kami nagtetext talaga pero ngayon iba na. Lagi siyang nagtetext ng I love you. Out of nowhere magflood ng I love you.





"Oh, ganda ng ngiti ah." puna ni Leo sakin kaya nilock ko kaagad ang phone ko. Wala kasing ibang nakakalam kundi sila Iya lang at Chloe.





"Sino katext mo?" tanong niya ulit





"Wala, friends ko. Nagjojoke kasi sila." pagsisinungaling ko





"Bukas may guesting daw tayong dalawa. So another, pagpapanggap nanaman to."



"Kaya nga eh. Medyo di na rin ako komportable kasi parang di na about sa talent natin, parang about na sa pagiging tayo kaya naeexcite mga tao." sagot ko naman sakanya



"Wala tayong magagawa. I guess that's a part of our career now. Hahhaa. Inseparable na ba tayo? Tayo na ba ang tatalo sa Kathniel at Jadine?" natatawang tanong sakin ni Leo



Hindi ko nalang siya sinagot at ngumiti lang sakanya.




Hindi naman namin matatalo ang Jadine at Kathniel in the first place kasi hindi naman kami love team talaga at di rin naman talaga kami hahahaha! I don't see sparks between us too.



"Anong iniisip mo? Tara dinner na tayo."




"I can't, may lakad ako."





"I don't take no as an answer. Come on." hinila na niya ako at wala akong magawa. I can't tell him na may date kami ni Ashton dahil bawal nga pumutok ang issue na may boyfriend ako.



Pero alam ko, iintayin ako ni Ashton sa labas ng entertainment.



Itetext ko nalang siya na di na kami tuloy. Shocks. Gusto ko pa man din siya makita huhuhu.




Pagkalabas namin ng entertainment ay agad na nahagip ng mata ko si ashton at mukang napansin din naman niya ako. Nakatitig siya sakin at nakita kong bumaba ang tingin niya sa mga kamay namin ni Leo. Shocks. I forgot na hawak pala ni Leo ang kamay ko.




---------

Let's do this!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon