[Ashton's POV]
Dalawang tulog nalang pala at talent showcase na namin. Hindi man lang namin napansin na ang bilis lang pala ng araw.
"Talent showcase na pala the day after tomorrow." pagpapaalala ko naman kay Sami
"Kaya nga eh. Iniisip ko palang, kinakabahan na ako. What if hindi ako makuha, paano kung kayo makuha tapos ako lang hindi. I don't want that to happen."
"Ano ka ba, Sami. Makukuha ka, magaling ka kaya. And, makukuha tayong anim. Don't worry!" nakangiting saad ko naman
"Hindi lang din yun ang dahilan kung bat kinakabahan ako."
"Eh ano pa?"
"After ng talent showcase, uuwi ako at sasamahan niyo ko ni ate ashley. Natatakot ako na malaman ang katotohanan kela mama."
"But you have to be strong. You have to face the truth. Kung totoo man na ampon ka edi take it in a positive way."
"Thanks for the advice, ashton. I hope na ang katotohanan lang talaga ang lumabas pag nakausap ko sila."
Hinawakan ko naman ang kamay niya atsaka siya tinitigan sa mga mata.
"Everything will be okay, Sami."
******
"Oh my gosh! Ito na talaga ang most awaited talent showcase!" sigaw ni Chloe atsaka nagtatatalon
"Kumalma ka, Chloe. Baka masira pa yang damit mo at magkaproblema pa. Baka madisgrasya ka rin." suway naman ni Pau sakanya
Pano ba naman kasi, nakaheels siya tapos tatalon talon siya. Edi syempre todo worry naman tong si Pau. Hay nako, torpe kasi.
Napatingin naman ako sa tahimik na babaeng nasa gilid ko. Nakayuko lang siya.
"Okay ka lang?" tanong ko naman sakanya
Napatingin siya sakin atsaka ngumiti at tumango.
"Wag ka kabahan. Just give your best shot, Sami."
Nasa backstage pa kami pero in any minute magsastart na rin ang showcase. Nakakakaba sa totoo lang, pero hindi dapat kabahan. Dahil mas magkakaproblema pag kinabahan na.
"Gusto mo?" napatingin naman ako sakanya ng ialok niya ang kinakain niyang chocolate sakin.
Kumuha ako ng isang piraso atsaka isinubo sa bibig ko.
"Pampawala ng kaba." sambit niya naman
"Nawala ba kaba mo nung kinain mo?" tanong ko naman sakanya
"Medyo. Haha. Basta pag kinakabahan at nasestress ako, chocolate ang una kong hinahanap." nakangiting sambit niya
"Salamat." sagot ko naman sakanya
Maya maya lang ay narinig na namin ang maingay na tunog sa labas ng backstage. Narinig na rin namin na nagsalita ang MC. Yung akala kong kaba na nawala na kanina ay bumalik bigla.
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...