Chapter 35

562 18 3
                                    

[A/N: Una sa lahat gusto ko mag  sorry dahil ang tagal ng update ko. Nabusy kasi ako dahil midterms namin last week.


Pangalawa, gusto ko magthank you sa inyo dahil sa suportang binibigay niyo sa story ko na ito. I know I am not a good writer, pero salamat at nagugustuhan niyo ang mga concept and stories ko.



Pangatlo, I hope you'll continue reading this and you'll continue to support my other story. Sana di kayo magsawa na sumuporta sa mga stories na ginagawa ko. I will try my very best to make my stories great.



O siya, let's start the Chapter 35

----




[Sami's POV]




"What? Kilala mo na ate ni Ashton?" tanong ni Chloe sakin




Kinwento ko kasi sakanila na lumabas kami nila ate Ashley nung isang araw.




"Wait! Kayo na ba?" tanong naman ni Iya sakin




"Ano?! Hindi ah!" sigaw ko




"Eh bakit may pakilala effect sa ate?" makahulugang tanong ni Chloe




"Kasi, friends kaming dalawa."




"Wow naman, Sami. Eh kami? Hindi ba kami kaibigan ni Ashton?" pabulong na tanong ni Iya sakin




Napaiwas ako ng tingin dahil wala na akong maidahilan. Pero I know wala naman talagang meaning ang saamin ni Ashton. Walang saamin, and walang magiging amin.




Wait, why am I being dramatic over here? Ano naman kung walang amin ni Ashton? Malamang magkaibigan kami and hanggang dun lang yun, nothing more and nothing less.




Bigla naman akong kinalabit ni Iya kaya nabalik ako sa realidad.




"Oh, nandiyan na si Ash." napaupo naman ako ng maayos atsaka nagstart na magsulat ng kung ano ano sa notebook. Kahit na ang totoo, ay wala naman akong sinusulat.




Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Chloe at Iya, marahil ay nakita nila ang ginawa ko. Obvious na obvious naman talaga.




"Uy, anong sinusulat mo? May assignment?" halos mapatalon naman ako mula sa upuan ko ng kausapin niya ako. Ang puso ko'y kumakabog ng sobrang bilis. Nahihirapan tuloy akong huminga.




"H--ha?" nawawala sa sarili kong tanong




Bakit ganito itong nararamdaman ko? Hindi ito pwede. Kinakabahan ako at parang may mga insekto sa loob ng tyan ko.




"Ang sabi ko, anong sinusulat mo? Umagang umaga ang busy mo." sabi niya naman, atsaka umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.




Napatingin naman ako sa notebook ko na puro guhit guhit lang, yun lang naman kasi ang sinulat ko.




"Umm, flames lang." wala sa sarili kong sagot. Anong flames pinagsasabi ko?




"Naglalaro ka pa rin ng flames? Hahaha. Sino flinames mo sayo?" tanong niya sakin




"Ha? Wala wala! Secret." sinarado ko ang notebook ko tsaka iniligay sa bag ko.




"Daya. Sinong crush mo?" pangungulit niya sakin




"Wag mo na alamin, di mo rin kilala yun."




"Edi kikilalanin." sabi niya naman




Let's do this!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon