[Chloe's POV]
"Nay, nandito na po kami." sabi ko naman pagkadating sa bahay
"Oh, kamusta ang photoshoot?" tanong niya sakin
"Okay naman po. Masaya po." sagot ko naman
"KUYA!" sigaw naman ni John. Tignan mo tong batang to, ako yung kapatid tapos mas inuna pang batiin yung iba.
"Hindi mo papansinin si ate?" tanong ko sakanya
"Favorite ako ni John eh." singit naman ni Pau samin
"Wew!"
"Oh, kumain na ba kayo? Paghanda ko kayo?" tanong naman ni nanay samin
"Hindi na po. Kumain na po kami. Nilibre po kami ni Ms. Lee kasi naging maganda yung 1st photoshoot namin."
"Ah ganun ba, o siya tatapusin ko lang yung pagtitiklop ko sa kwarto, diyan na muna kayo ah."
Umupo naman kami sa sala. Si John nakakandong naman kay Pau.
"Parang ikaw yung kapatid ah." puna ko naman sakanila tsaka umupo sa tabi nila
"Ganun talaga eh." sagot naman niya
Hinipo ko naman ang noo ni John kung mainit pa ba at buti naman wala na siyang lagnat.
"Kamusta ang pakiramdam mo John?" tanong naman ni Pau sakanya
"Kanina kuya, ang thakit ng ulo ko thapot iyak ako."
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...