Iya on the picture :)
---
[Chloe's POV]
"Welcome to Woolim Academy where you can achieve your dreams."
Parang isang panaginip ang lahat. Di ako makapaniwala. Nandito na ako at pumasa sa audition.
"I'm Ms. Lee. I will be your homeroom teacher. I will be looking forward to your talents guys." sabi niya naman bago umalis sa classroom.
Hiniga ko ang ulo ko sa desk. Nakayuko lang ako. Ano kayang mangyayari sa pag-aaral ko rito? Akala ko noong una parang puro sayaw sayaw lang ang pagtetraining di ko alam na may subject pala! Parang totoong school talaga. Nakauniform pa kami.
Pero yung subjects naman na meron kami ay tatlo lang. Singing, dancing, and acting. Kailangan daw matrain kaming lahat dun.
I was about so close my eyes ng biglang may pumasok ulit na teacher.
"Goodmorning guys! How are you? Congratulations on passing the audition. I'm Mr. Harold Sebastian. You can call me Mr. Basti and I will be your mentor for singing."
Tahimik ang lahat palibhasa lahat kami rito ay mga baguhan palang.
"So. I will divide this class into 5 groups. Per row nalang siguro? Sige per row nalang. Kung san kayo nakaupo ngayon, yung karow niyo yan ang kagroup niya. Meron tayong 5 rows and sa kada row may 6 students. So bawat group there should be 6 students."
Napatingin naman ako sa mga ka-row ko. Tumayo ako at nilapitan ko na rin sila.
"Hi. Ako nga pala si Chloe." nakangiting pagpapakilala ko sakanila
"Ako naman si Iya."
"Sami here."
"Brent. Hi!" nakipagshake hands naman siya sakin kaya nakipagshake hands din ako.
"Paulo. But you can call me Pau."
"Ashton, but ash for short."
Mababait naman sila at mukang wala naman akong magiging problema na makaclose sila.
"So pano ba yan? Galingan natin ah." sabi naman ni Iya tsaka kami nginitian
"Oo naman. Let's do this guys and reach for our dreams." sabi naman ni Ash
"Okay, ngayon na kakilala niyo na ang mga members ng group niyo. I want you guys to prepare a song. But! Gusto ko isasama niyo siya sa ibang song. Gawin niyong remix. Acapella. Perform it tomorrow."
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...