[Pau's POV]
Pasakay na kami ngayon sa bus pauwi ng Manila. Sa wakas natapos na rin yung team building namin ng 3 days 2 nights.
Inaamin kong boring naman yung naging team building. Hindi ko masyadong nagustuhan yung mga ginawa namin. Mas masaya siguro kung natulog nalang kami. Joke.
"Okay, nandito na ba ang lahat?" tanong ni Ms. Lee pagkasakay namin sa bus
"Opo." sagot naman namin
Ang katabi ko ngayon ay si Chloe. Sabi nila kami nalang daw magtabi eh, wala namang problema sakin.
"Salamat naman at pauwi na tayo." nakangiting sabi niya
"Naenjoy mo ba?" tanong ko naman sakanya
"Medyo, pero mas maraming beses na nabored ako."
"Ako rin naman eh. Medyo boring nga rin talaga yung ibang activities."
Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng maramdaman kong gumegewang yung ulo niya, kaya tinignan ko siya. Tulog na pala, hindi man lang nakasandal yung ulo.
Dahan dahan kong sinandal yung ulo niya sa balikat ko. Buti nga at hindi siya nagising. Napatitig pa ako ng onti sa muka niya.
Cute si Chloe, lalo na pag ginagawa niyang postive ang lahat ng bagay. Hindi kasi siya bugnutin at laging nakangiti. Ang cute niya rin kapag muka siyang inosente.
Napangiti ako sa mga iniisip ko, tsaka ko ibinalik ang tingin ko sa harapan.
***
Nagising ako ng maramdaman ko ang paggising sakin. Tumingin ako sakanya.
"Nasa school na tayo." sabi niya habang nakangiti
Lumingon naman ako sa labas at oo nga nasa school na nga kami.
"Nakatulog pala ako." sabi ko naman sakanya
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...