[Sami's POV]
"Nasan na kaya sila Brent at Iya?" tanong naman ni Chloe
"Papunta na rin siguro yung dalawang yun." sagot ko naman
"Okay class, umayos na kayo. Aalis na tayo." sabi naman ni Mrs. Lee
Nagpalinga-linga naman kami ni Chloe kasi nga wala pa rin yung dalawa. Nako naman oh! Wala pa sila. Sasakay na sa bus eh.
"Wait lang po Ms. Lee." napalingon naman kami ni Chloe sa nagsalita. Si Iya at Brent.
"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Ms. Lee
"Nagkaroon po kasi ng emergency eh. Sorry po ah." hingal na hingal na paliwanag ni Brent
"Okay. Sige sakay na kayo."
Sumakay na rin naman kami ni Chloe. Katabi ko si Chloe, si Pau at Ashton naman yung magkatabi, then sila Brent at Iya ang makatabi. Kahit saan kasi umupo eh. Nasa likod lang namin ni Chloe sila Iya, katapata naman namin sila Ash.
"By the way! Bakit kayo nalate?" tanong ni Chloe. Lumuhod pa siya sa upuan niya para makaharap siya dun sa dalawang nasa likod namin.
"Ah kasi ano eh, yung papa ko. Gumawa nanaman ng eksena kanina. Kahapon pumunta na nga siya para sermonan ako, kanina rin paalis na sana kami tapos andun nanaman siya at gumawa ng eksena. Nakakainis na talaga. Ano pa ba gusto niyang gawin ko. Arrghhh."
"Hala, calm down Iya. Hayaan mo na yun. Atleast umabot kayo." nakangiting sagot naman ni Chloe tsaka siya bumalik sa pagkakaupo niya.
"Ikaw talaga, nagtanong ka pa." sabi ko naman sakanya
"Oo, nakakacurious kasi eh." sabi niya naman tsaka nagpeace sign. Nakakatawa rin tong babaeng to eh.
***
"Uy gising na kayo." unti-unti ko namang minulat ang mga mata ko tsaka lumingon-lingon. Tinitignan ko kung nasan kami.
Nasan na nga ba kami? Dito na ba yung lugar na pagse-stayan namin?
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...