Chapter 30

519 16 0
                                    

[Pau's POV]




"Anong nangyari sayo Chloe? DIYOS KO!" sigaw ni tita. Iniuwi ko na si Chloe at halatang basang basa ito ng ulan. Gulo gulo ang buhok at basang basa ang damit.




Nakabalot ang tuwalya ko sakanya. Basang basa na rin ang damit ko.




"Ano bang nangyari sayo anak?" nag-aalalang tanong ni tito sakanya




Hindi sumasagot si Chloe.




"Inaapoy ka ng lagnat Chloe! Diyos ko. Magpalit ka nga ng damit mo. Ikaw din Paulo, basang basa ang damit mo! Nako magkakasakit ka sa ginagawa mo. Ikukuha kita ng damit ng tito mo ng makapagpalit ka. Dito ka nalang din muna magpalipas ng gabi dahil malakas pa ang ulan."




"Pero may trabaho po ako." sagot ko naman sakanya




"Sabihin mo hindi kita pinayagan. Or humanap ka ng kapalit mo. Magkakasakit ka kaya hindi pwede. Magpahinga ka na muna." sabi naman ni Tita tsaka pumunta sa kwarto nila ni tito




Hindi ko alam, pero natuwa ako dahil may nag-aalala sakin ngayon.




Napatingin naman ako kay Chloe na kakalabas palang ng kwarto niya. Halatang mahina pa siya, kaya lumapit agad ako sakanya para alalayan siya.




"Bakit lumabas ka pa?" tanong ko naman sakanya




"Okay lang ako." nakangiting sabi niya naman sakin




"Ate, may thakit ka?" tanong ni John kay Chloe




"Wala John, okay lang si ate." pagsisinungaling naman niya




"Paulo, magpalit ka na ng damit mo bago ka pa matuyuan." sabi naman ni tita sakin atsaka inabot ang damit sakin

Let's do this!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon