[Sami's POV]
Ashton Calling.....
"Hello?" pagsagot ko sa phone
[Hey. What are you doing? Busy ka?] tanong niya sa kabilang linya
"Ahh. Hindi naman. Ikaw ba?" tanong ko sakanya
[Well, tutal saturday naman ngayon. Kita naman tayo. Mag-ayos ka na ngayon.]
"Ha? Ah ehh, wala akong pera ngayon. Short na yung allowance ko eh. Next week pa makakapagpadala sakin. Pass muna ako."
[No. It's fine. My treat. Magbihis ka na.]
Magsasalita pa sana ako pero binaba na niya ang phone. Hay nako. Tawagan ko na nga lang siya ulit after ko mag-ayos. Di ko kasi alam kung san kami magkikita eh.
Mabilis lang din naman akong naligo at nag-ayos ng sarili ko. Medyo pinatuyo ko lang ang buhok ko atsaka kinuha ang gamit ko at lumabas sa tinutuluyan ko.
Pagkalabas ko naman ay nakita kong nag-iintay dun si Ashton. Kanina pa ba siya rito? Tatawagan ko palang sana siya eh.
"Kanina ka pa?" tanong ko sakanya
"Hindi naman. Nung tumawag ako sayo. Nandito na ako. Surprise." sabi niya naman sakin
"Dapat sinabi mo na nandito ka para nagmadali ako."
"Surprise nga eh. Okay lang yun. Tara na." sabi niya naman tsaka ngumiti sakin. Tumango naman ako.
Naglalakad kami ngayon papunta sa bus stop. Di ko rin naman alam kung san kami pupunta eh. Sinusundan ko lang siya.
"San ba tayo pupunta?" tanong ko sakanya ng makasakay kami sa bus.
Nakatayo kami kasi wala ng bakanteng upuan. Medyo siksikan na rin. Katabi ko si ashton at may katabi akong lalaki na nakatayo rin. Magkadikit na kami kasi nga medyo siksikan na sa bus.
"May imimeet tayo." simpleng sagot ni Ashton sakin.
Naka-casual na dress lang naman ako ngayon. Above the knee siya atsaka balloon type siya. Nakaflats lang din ako.
Tahimik lang din kami ni Ashton. Pagkatapos kasi niyang sumagot di na ako nagsalita pa uli eh. Kaya ayun tahimik nalang din ako.
Habang nasa kalagitnaan ng byahe ay naramdaman kong may humaplos sa binti ko. Di ko alam kung guni-guni ko lang yun, pero naramdaman ko talaga na merong humaplos.
Noong una ay hindi ko nalang pinansin. Di naman kasi ata totoo, naghahallucinate lang kasi ata ako. Pero napansin kong may gumagapang nanaman na kamay papasok sa dress ko, pahaplos ang paghawak niya sa mga hita ko.
Hinawi ko ang kamay niya sa hita ko. Kinakabahan na ako seryoso. Tinignan ko rin yung kuya na yun, siya yung katabi ko kanina pa.
Pagtingin ko sakanya ay nakakagat labi siya at nakangiti na pangmanyak. Kinakabahan na ako. Gusto kong sumigaw pero nahihiya ako. Baka sabihin ng mga tao bakit naman ako mamanyakin eh hindi naman ako maganda.
Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa pwet ko. Gusto ko ng maiyak. Napahawak ako sa kamay ni Ashton. Napatingin siya sakin, pero yung kuya na nangmamanyak sakin ay patuloy na hinahawakan ang pwet ko.
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...