Si Pau yung nasa picture! :)
----
[Paulo's POV]
Grabe kanina si Ms. Alvarez. Hindi ako makaget-over. First day of training yet it feels like hell. Nung una kay Mr. Basti na kakameet palang namin may ipapagawa na. Tapos ngayon naman yung tension na binigay ni Ms. Alvarez sa bawat isa.
Sobrang nagulat talaga ako nung pinaalis niya yung pair na hindi magets yung sayaw eh. Bigla tuloy akong kinabahan nun, isama mo pa tong si Brent na kinausap ako. Pero hindi naman ako nagpadala at binigay ko lang ang best ko. And yes, naging okay naman ang lahat. Wala namang naging problema.
Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch ngayon. Magkakasabay kaming anim.
"Sino kaya yung teacher natin sa drama? Parang ayaw ko na siyang makilala." sabi naman ni Brent
"Hindi naman pwede yun. Tsaka pangarap natin to diba?" sabi naman ni Chloe
"Yeah, kaya nga hindi pwede yun. Akala ko dati pag nakatungtong ka rito, easy ang buhay kasi magagawa mo yung gusto mo tapos sisikat ka. Pero ang hirap hirap pala." sagot naman ulit ni Brent
"Siguro ang mahalaga lang ay magstay tayo hanggang dulo. Siguro naman kahit ngayon lang tayo nagkita kita automatic na na magkakaibigan tayo. Diba? Kaya dapat walang iwanan. Mahirap ang pagpunta sa destinasyon na tinatahak natin. Marami ring mga bagay na sasagabal satin. Pero dapat sama sama tayo." sabi naman ni Sami ng nakangiti. Ngumiti rin naman kaming lima.
Nagkwentuhan nalang din kami ng ibang bagay na hindi related sa mga nangyari ngayong araw. Kasi mas nakakastress pag yun yung pinag-uusapan namin eh.
----
Sa wakas natapos na rin ang buong araw namin. Nakakapagod sa totoo lang.
Tinignan ko ang relo ko.
7:55 pm
Nice! Just nice. Pumasok kami ng 7 am pero natapos kami ng almost 8 pm. Gusto ko nalang humiga sa kama sa ngayon. Hinihila na ako ng kama ko.
"Okay, see you again tomorrow." sabi nung teacher namin atsaka kami iniwan sa room. Nag-inat naman ako saktong paglabas niya.
Inayos na rin naman namin ang mga gamit namin. Halatang gusto ng umuwi ng lahat.
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...