[Ashton's POV]
"Ate, ayoko talaga. Tulungan mo naman ako."
"Ashton, alam mong hindi ko magagawa ang hinihiling mo. Pero sige susubukan ko."
"Kung gusto mong ikaw ang magmana sa kompanya wala akong pake ate, basta kailangan kong maabot ang pangarap ko. Kailangan kong maging singer ate." sabi ko tsaka tumayo at iniwan siya sa coffee shop.
Naiinis ako, ayoko naman talaga maging businessman. Gusto ko sundin ang pangarap ko.
Naglakad ako hanggang sa makarating sa may pinakamalapit na park. Umupo ako sa may bench dun at yumuko.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung pano ko pa ba mapapatigil si Dad na ako ang piliin niyang magmana sa company namin.
"Anong iniisip mo?" napaangat naman ang ulo ko para tignan kung sino ang kumausap sakin.
"Sami."
Umupo naman siya sa tabi ko at tinignan ako sa mata.
"Anong problema?" tanong niya naman sakin
"Well, alam mo naman. Ganun parin, pinipilit pa rin ako ni Dad na ako ang magmanage sa company. Pinipilit niya ako magtake ng business course. Kinausap ko si ate, sabi niya she'll find a way."
"Magagawan yan ng paraan, wag ka na mag-isip pa ng kung ano. Okay?" sabi niya naman tsaka ako niyakap. Niyakap ko rin naman siya pabalik.
"Ang galing ng kapatid ko. Akala ng lahat sa probinsya nag-aaral ka mabuti para sa pangarap mo, pero ito ang madadatnan namin? Yang kalandian mo!"
Napatayo si Sami at hinarap ang mga ate niya.
"Ate! Mali ka ng iniisip. Kaibigan ko si Ashton Ate Shiya."
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...