[Brent's POV]
Ang tagal kong mag-isip bago ko naisipan na sundan si Iya sa bahay. Ito yung gusto kong mangyari, ayokong mawala siya sakin. Alam kong ang duwag ko pero ayoko talaga siyang mawala saakin.
"Iya." sigaw ko pagkabukas ko ng pinto sa bahay
Sinilip ko kung nasa kwarto siya pero wala siya dun. Umalis na ba talaga siya?
Sinilip ko kung nandun pa ba ang mga gamit niya sa cabinet at nakahinga ako ng maluwag ng makitang nandun pa ang mga damit niya.
"Iya!" sigaw ko ulit sa loob ng bahay
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko siyang nandun sa may pintuan ng bahay at halatang kakagaling lang sa pag-iyak.
"Iya." banggit ko sa pangalan niya atsaka tumakbo papalapit sakanya at niyakap siya
"Uy Brent."
"San ka nanggaling? Kala ko umalis ka na?" tanong ko naman sakanya
"Ahh ehh, nag-isip isip lang ako. Tapos pagdating ko rito tinatawag mo ang pangalan ko."
"Sorry sa lahat, ang totoo niyan ayaw ko naman talaga na mawala ka eh kasi mahalaga ka sakin kaya lang hindi ko alam kung paano magsosorry sayo at paano ka kakausapin kaya tumagal yung awkwardness satin."
"Okay lang, ako dapat ang magsorry. Simula ngayon wag mo ng pansinin ang papa ko, hindi totoo lahat yun. Alam kong hindi yun totoo." sabi niya naman sakin
Bumitaw siya sa pagkakayakap atsaka tumingin sa mga mata ko.
"Salamat." sabi niya sakin
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...