[Ashton's POV]
Naghahanap ako ng treasure. Nakakapagod naman to. May mga hint naman na binigay pero ang hirap pa rin hanapin. So far, isa palang ang nahahanap ng team ko.
Nagpaalam ako sa team ko na medyo lalayo ako para maghanap ng treasure. Pumayag naman sila para mas maging mabilis daw.
Seryoso akong naghahanap, pero may narinig akong nag-uusap kaya napatingin ako sa gawi nila. Si Sami ba yun? Sino yung kausap niya?
Unti-unti akong lumapit para makita kung si Sami nga talaga yun. Medyo naaninag ko na sila ng kausap niya, if I'm not mistaken si Trina yun. Kita sa mga mata niya na galit siya habang kinakausap si Sami.
Hindi ko pa kasi marinig ang pinag-uusapan nila, kaya hindi ko alam kung nag-aaway ba sila. Nakita ko naman ang pag-amba ng kamay ni Trina kaya binilisan ko ang paglakad ko atsaka hinawakan ang kamay niya at binato ito ng malakas.
"Subukan mo lang."
"A..ano. As...Ashton." nauutal niyang banggit sa pangalan ko
"Bakit mo sasampalin si Sami?" tanong ko sakanya
"Kasi... Kasi, inaaway niya ako."
"Inaaway? Don't make a story Trina. Malayo palang nakita kong ikaw ang unang mananakit. Wag mo subukan, kung ayaw mong kami ang magalit sayo." sabi ko naman tsaka hinawakan ang braso ni Sami at hinila siya palayo kay Trina.
"Aray." sabi niya naman, kaya binitawan ko siya.
"Masakit ba? Sorry."
Tinignan ko naman yung braso niya at may gasgas yun, namumula pa.
"Anong nangyari riyan?" tanong ko naman sakanya
"Wala. Tara na, maghanap na tayo. Baka hanapin din ako ng mga kagrupo ko. Sige na." sabi niya naman tsaka nag-umpisang maglakad palayo sakin
"O sige, mag-ingat ka ah." sabi ko naman bago maglakad paalis sa pwestong yun.
----
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...