[Ashton's POV]
"Tara, uwi na tayo." pagyaya ko kay Sami ng makita ko siyang nag-aayos ng gamit.
Sa wakas natapos na rin ang buong araw namin ng pagpapractice. Ilang araw nalang din kasi at talent showcase na.
"Teka, ayusin ko lang mga gamit ko." sabi niya naman
"Diretso uwi ka naman diba?" tanong ko sakanya
"Ah oo. Tapos magpapractice ulit ako sa bahay." sagot niya naman
"Baka naman magkasakit ka sa ginagawa mo. Pag sa school magpractice ka. Pero pag sa bahay magpahinga ka." puna ko naman sakanya
Natapos na rin naman siyang mag-ayos kaya tumayo na siya at tumingin sakin.
"Okay lang. Kaya ko pa." nakangiti niyang tugon sakin
Nag-umpisa na kaming maglakad palabas sa academy.
"Malapit na ang talent showcase. Saan kaya tayo mapupunta?" tanong ko sakanya
"Ewan ko. Pwedeng di rin tayo makuha. Pero I hope na makuha tayo, kahit iba iba na tayo ng agency basta sabay sabay sana tayo. Kayong lima naman ay may potential eh. Sana makita ng judges yun." sabi niya naman sakin tsaka ngumiti. Damn! That angelic smile.
Magsasalita na sana ako ng mapansin ko na may bike na paparating mula sa likod niya kaya hinila ko siya papunta sakin.
Napayakap siya saakin at ganun din ako sakanya. In short, nagyayakapan kaming dalawa.
Di agad kami nakagalaw sa pwesto. Marahil sa pagkakabigla at sa sobrang bilis ng pangyayare. Kanina lang magkahiwalay kami, ngayon magkayakap ka na kami.
"M--may bike eh." nauutal na sabi ko. Damn, why am I stuttering?
"Okay lang. Alam ko." sabi niya naman tsaka kumalas sa pagkakayakap sakin
Naging tahimik tuloy ang paglalakad namin hanggang sa makarating kami sa may bus stop.
Naawkward ata bigla kami dahil sa yakapan portion na yun.
"Paano? Mauuna na ako ah." sabi ko naman sakanya. Wala pa kasing bus pakadating namin.
"Ha? Ah ehh. Sige sige." nakangiti niyang sagot sakin.
Paalis na sana ako ng may biglang humawak sa braso kong mga lalaki.
"Sir, tara na po. Umuwi na po kayo. Galit na ang daddy niyo." tama nga ang naiisip ko. Isa ito sa mga alagad ng tatay ko. No! I won't go home!
Ano? Pipilitin nanaman niya ako na ayusin at patakbuhin ang kompanya? That's not what I want! That's a big joke. Alam niyang ayaw na ayaw ko ng mga ganyang bagay. Ito ang gusto ko! Ang kumanta at sumayaw. Bakit ba di niya ito maintindihan?!
"Ayoko! Bitawan niyo ako." pagmamatigas ko.
"Sir, wag na po matigas ang ulo niyo."
Nagulat nalang ako ng may sumipa sa dalawang lalaking nakahawak sakin. It was Sami.
Bigla niya naman akong hinila pasakay sa bus ng mabitawan ako ng dalawang lalaki.
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...