Chapter 29

459 18 0
                                    

[Iya's POV]




"Halatang inis na inis si Pau oh." bulong ko kay Brent




"Kaya nga eh. Nakakatawa yung itsura niya."




"Pero kasi para lang silang tanga. Swear." sabi ko naman




"Bakit naman?"




"Kasi gusto naman nila ang isa't isa."




"GUSTO NI---" tinakpan ko na agad ang bibig niya bago niya pa matuloy ang sasabihin niya. Ang daldal talaga oh!




Nakatingin tuloy silang lahat samin. Kahit si Pau at Chloe ay nakatingin din samin.




"Sorry na guys. Nababaliw nanaman si Brent." sabi ko nalang sakanila




Bumalik na rin naman sila sa kanya kanya nilang ginagawa.




"Tae ka, ang ingay talaga ng bunganga mong lalaki ka eh." pagsermon ko naman sakanya




"Sorry na." sabi niya naman sakin




"Basta wag ka maingay. Hayaan mong sila yung umamin sa isa't isa. Wag kang mangengalam. Lagot ka sakin! Hayaan mong magpakalalaki yang si Pau."




"Oo na, hindi na ako mangengealam. Ito naman parang ang laki kong namang hadlang kung magsalita."




"Alam ko lang kasi na hindi mo mapipigilan yang dila mo lalo na pag napasarap ka na ng kwento. Ikaw pa." sabi ko naman sakanya




"Oh ano? Alam na rin niyan? Muntik pa isigaw ah." sabi naman ni Sami. Kasama niya si Ashton at umupo sila sa tabi namin.

Let's do this!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon