Chapter 44

439 13 2
                                    

[Ashton's POV]




"Kamusta ka naman? Di na kita masyadong nakikita ngayon ah. Busyng busy ka ata?" tanong ko naman sakanya




"Oo eh. Magrerelease na rin kasi kami ng 1st album namin ni Leo kaya ito at talagang busy." sagot naman ni Sami sakin




"Ohhh. Ganun ba? Grabe pala noh. Medyo sikat ka na rin, pinagtitinginan ka na kasi ng mga tao." sabi ko naman sakanya




"Aish. Nakatingin sila ngayon sakin?" tanong niya naman sakin




"Yung iba. Parang inaanalyze kung ikaw ba talaga or baka kamuka mo lang."




Sinuot naman niya ang shades niya bigla.




"Dapat kasi di mo na tinanggal." sabi ko naman sakanya




"Yan yung sa S&L diba? Si Sami? May boyfriend na pala siya? Kala ko si Leo boyfriend niya. They look good kasi dun sa teaser, kala mo may something talaga."




Wow ah. Anong may something? Napanood ko kaya, wala kayang something!




"Okay ka lang ba? Parang naiinis yung muka mo."




"Naiinis? Hindi ah." sagot ko naman sakanya




"Parang kasi. Well, parang lang naman. By the way, tapos ka na ba? Kung tapos ka na tara na." sabi niya naman sakin




Tumango naman ako atsaka tumayo.




Naglalakad na kami ngayon sa labas. Nakashades and mask na rin si Sami. Medyo sikat na nga kasi siya. Naipalabas na kasi ang teaser niya so probably nakikilala na siya.




"Crush mo ba?" wala sa sarili kong tanong




"Sino?" naguguluhan niyang tanong




"Si Leo." sige na, itatanong ko na. Tutal naumpisahan ko na rin naman itanong.




"Hindi ah. Kaibigan ko lang yun. Gwapo siya pero may iba na akong gusto." sabi niya naman tsaka ngumiti sakin. Ngiting gustong gusto kong nakikita mula sakanya.




Pero meron na siyang gusto? Sino naman?




"Sino yung gusto mo?" tanong ko sakanya




"Si.... secret muna sa ngayon. Tsaka ko nalang sasabihin sainyo pag ready na ako. Hayaan mo, ikaw unang makakaalam nun."




Aish! Gusto ko talagang malaman kung sino!




"Oh sige na. Papasok na ako sa loob. Kailagan pa namin magpractice ulit ni Leo."




Tumango naman ako sakanya.




May gusto siya? Sino naman?




****



"Bat ka nandito sa opisina ko? Buti nalang wala si dad kung hindi patay ka talaga." sabi ni Ate Ashley




"Eh kasi naman ate! Si sami!"




"What happened? Nakita ko yung teaser niya ah, ang ganda niya. Grabe, sisikat na si Sami."




"May gusto na raw kasi siya, ate. Pero ayaw niya sabihin kung sino."




"Ah baka yung partner niya? Si Leo ba yun? Yung gwapong bassist."




Let's do this!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon