Chapter 18

497 17 0
                                    

[Pau's POV]




"Hello po tita. Kamusta na po si tito?" dumalaw ako sa bahay nila. Gusto ko malaman kung kamusta na si tito.




"Nagiging okay nanaman siya kaya lang hindi pa siya pwedeng magtrabaho ulit eh kaya ito, doble kayod ako." sabi naman ni tita sakin




"Ay ito po pala mga prutas." inabot ko naman ang plastic na may lamang mga prutas




"Nako! Salamat hijo. Teka lang at nagbibihis si Chloe eh. Kakaligo palang kasi."




"Nako, okay lang po yun." sagot ko naman tsaka siya nginitian




"HI KUYA!" tumakbo naman papalapit sakin si John atsaka kumandong sakin.




"Oh kamusta ka na baby john?" tanong ko naman sakanya habang hawak ko ang mga pisngi niya



"Namiss kita kuya." sabi niya tsaka naman yumakap sakin




Ang sweet niya at ang lambing lambing na bata.




"Oh, naglambing na sayo." napatingin naman ako kay Chloe na kakalabas lang ng kwarto niya at nakaayos na.




"Kaya nga eh. Ang cute cute." sabi ko naman




"Oh John, mamaya nalang at malelate na kami nito ng kuya Pau mo." sabi naman ni Chloe atsaka binuhat paalis si John sakin at inilapag.




"Okay ate. Babye." sabi ni John tsaka kami hinalikan ni Chloe sa pisngi




Nagpaalam na rin naman kami kay tita na aalis na kami.




"Bakit kasi pumunta ka pa sa bahay? Ikaw talaga." sabi niya naman sakin habang naglalakad kami papunta sa school

Let's do this!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon