Iya and Brent on the picture
---
[Iya's POV]
"Mag-almusal na kayong dalawa." tawag samin ni tita
Umupo naman kami sa hapagkainan.
"Umm. Nay, may itlog ba tayo?" tanong naman ni Brent
Ayaw niya ba nung pagkain? Masarap naman ang tuyo ah? Hindi ba siya kumakain nito?
"Bakit?" nagtatakang tanong ni tita sakanya
"Pagpiprito ko po ng itlog si Iya, hindi ata siya kumakain ng tuyo eh."
"Baliw ka ba! Kumakain ako ng tuyo! Masarap nga yan pag may sukang maanghang eh. Tita, wag na po kayo mag-abala." sabi ko naman tsaka pinalo si Brent sa braso niya. Nakakahiya kasi kay Tita.
"Akala ko hindi ka kumakain ng tuyo eh." nakangiting sabi niya naman
"Hay nako ka! Kumakain ako nun, syempre." sabi ko naman tsaka nag-umpisang kumain.
"Saturday ngayon, wala tayong training, san maganda pumunta?" tanong niya naman sakin
"Hmm? O sige treat nalang kita sa convenience store. Natanggap ko naman na yung sweldo ko last week."
Oo, may trabaho na ako. Kada isang oras 100 bayad sakin. Eh nagtatrabaho ako ng 3 oras, tapos limang araw lang pasok ko. Monday to Friday ang pasok ko, 10 pm-1 am. Tapos yung sweldo ko nakukuha ko every friday bago ako mag-out. Nagbe-babysitter ako, yun ang trabaho ko.
"Hala, wag na. Ako nalang magtreat sayo, may inipon naman ako eh."
"Ipunin mo nalang yan, ako naman ang may trabaho sating dalawa eh. Sige na." sabi ko naman sakanya
***
Nag-ayos naman na kaming dalawa atsaka lumabas ng bahay. Naglakad lang din kami hanggang sa marating namin ang convenience store.
"Oh? Pau?"
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...