[Iya's POV]
Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Papa na naghihintay sa tapat ng bahay nila Brent.
Napatingin na rin si Brent sakanya at alam ko ang tumatakbo sa isip niya, manggugulo nanaman ang papa ko.
"Papa, kung nandito ka para manggulo please lang tumigil ka na." madiin kong sabi sakanya
"I am telling you, Iya. Umalis ka na rito. Magkakasakit ka sa environment na ito."
"No papa. Magbago ka muna, you need to wake up. Bumalik muna kayo sa dati ni mama. Isipin niyo ang mga nangyayari sa buhay niyo. Isipin niyo kung anong problema sa mga buhay niyo atsaka lang ako uuwi sa bahay." sabi ko tsaka naunang pumasok sa loob ng bahay nila Brent.
Buti nga at wala pa si tita. Nakakahiya naman kasi kung nandito sila tapos andito rin si papa.
Narinig ko naman na bumukas ang pinto, ibig sabihin pumasok na si Brent.
"Sorry brent. Di ko naman ginusto na pumunta ang papa ko rito."
"I know and I understand. Don't worry Iya."
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Gustong gusto ko na umiyak.
Tumulo na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan kaya napatakip ako ng muka ko.
Hinila naman ako ni Brent papunta sakanya atsaka ako niyakap. Tinapik niya ang ulo ko ng tatlong beses at ipinatong niya ang ulo niya sa ulo ko.
"Bakit ka umiiyak?"
"Kasi nahihirapan na ako."
"Nandito lang ako, Iya. Wag ka mag-alala. Hindi kita iiwan kahit anong mangyari."
Tumango naman ako atsaka siya niyakap pabalik.
Humiwalay naman ako sakanya bigla ng marinig ko ang pagpasok ng tao sa pinto.
"Wait. What's the meaning of this?!" si Sky pala yun. Nandito nanaman siya.
"Sky, bakit nandito ka?" tanong ni Brent
"Parang bawal naman ako rito."
Nagtuloy siyang pumasok at umupo sa may sala. Kinuha niya ang cellphone niya atsaka nagtext text.
Nakatingin lang kami sakanya kaya napatingin din siya samin.
"Hay nako, nakakatawa kayo." tumayo naman siya atsaka lumapit samin. Hinawakan niya si Brent sa braso atsaka tumawa.
"Anong nakakatawa Sky?"
"Dumalaw ako sainyo pero parang di ako welcome."
Di naman sa di siya welcome pero for sure, mang-aaway lang yan at papairalin ang pagiging spoiled brat niya.
"Alam niyo ayusin niyo yang mga muka niyo. Kung inaakala niyong nandito ako para manggulo ay tama kayo diyan."
Nanlaki naman ang mga mata ko. Sabi na nga ba. Si Sky pa.
"Joke lang. Masyadong seryoso Iya? Well, gusto ko naman talaga itong si Brent, pero di ako desperada para mang-agaw noh, lalo na't kilala ko kung sinong gusto niya. Kaya pwede ba umayos ka. Di ako masamang tao. Well, maarte ako, spoiled pero di ako desperada."
"Kilala mo talaga gusto ko?" takang tanong ni Brent
"Loko ka ba? Halata ka kaya. Bakit ba kita nagustuhan? Di ka naman gwapo at ang harot mo pa."
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...