Chapter 47

243 6 1
                                    

[Iya's POV]

"Let's talk, anak." hindi ko alam ang irereact ko kaya tumingin ako kay Brent. Tumango naman siya sakin na parang sinasabing, go kausapin mo na.

"Okay, let's go outside." sagot ko kay papa atsaka kami lumabas sa bahay nila Brent. Pero nandito lang kami sa tapat dahil ayoko rin na lumabas or magcoffee shop pa dahil marami na nga ang nakakakilala sakin kahit paano. And this is a personal matter.

"Anak, I am very sorry."

Hindi ko alam kung anong irereact ko, nagsosorry ang papa ko sa harapan ko. What should I do? What should I say?

"I know marami akong pagkukulang, marami akong mga masasamang nagawa sayo at sa kuya mo. I know I have been a very bad parent dahil pinilit ko sainyo ang mga bagay na ayaw ninyo pero anak natutuwa ako at di niyo ko sinunod, dahil tignan mo naman mas naging succesful kayo ng kuya mo dahil sa pagsuway sakin. I am very sincere right now, anak. Kami ng mama mo ay humihingi ng tawad sainyo ng kuya mo. We miss you both very much." hinawakan ni papa ang kamay ko, atsaka muling nagsalita, "Anak, patawarin mo kami ng mama mo."

I can't speak. Parang nawala ang dila ko, nananaginip ba ako. My das is here, right in front of me and asking me for forgiveness.

"Pa." yan lang ang nasambit ko dahil parang feeling ko may nakabara sa lalamunan ko. I saw his eyes anticipating for my answer.

I managed to get the words I want to say.

"Hindi ko ito ineexpect. I was expecting to not hear anything from you and mama. Pero ito ka ngayon pa at humihingi ng tawad sakin. I don't know if this is just a dream pero kung panaginip lang to, please wag na sana ako magising." tumawa ako before I continue, "I am sorry for not pursuing the degree you want me to pursue. Sorry kung ang stubborn ko pero kasi ito ang gusto ko, alam kong dito ako mageexcel at hindi sa ibang bagay. Pa, I understand you and mama, you only want the best for us kaya lang sa kagustuhan niyo ang the best para samin, di niyo alam na sariling pangarap namin ang natatapakan niyo but I am happy na you have finally realized how important this dream are, para sakin. And pa, napatawad ko na kayo ni mama matagal na. I am just waiting for the both of you to realize everything, and I am glad that you did it." lumapit ako kay papa at niyakap siya ng mahigpit.

He hugged me back and caress my hair.

"I am sorry, I love you anak."

"I love you too, papa."

*****

[Ashton's POV]

Natatandaan niyo pa ba yung time na nakita ko si Leo at Sami na lumabas ng building at magkahawak pa ang kamay nila? Inaamin kong nakaramdam ako ng selos. Dapat ako yung nasa posisyon ng Leo na yun pero wala akong magawa. Di ako pwedeng sumugod at magwala nalang bigla dun at sabihing, 'Bitawan mo siya, akin siya.'

After nun, di naman kami nag-away, nagexplain naman siya and tinanggapp ko naman, kasi wala naman akong magagawa diba. Ginusto ko to eh, ako may gusto na maging kami kahit patago.

Magkasama kami ngayon. Syempre, sa tagong lugar kami nagkita at syempre nakadisguise rin. Hindi na pwedeng lumabas ng di nakadisguise.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Sweet ah?"

"Syempre. Lagi naman eh, haha." nilaro laro ko ang kamay niya atsaka nagsalita muli, "Mahal kita, Sami. I promise I'll be successful."

Hinaplos niya ang pisngi ko atsaka ako tinignan sa mata. Halos malunod ako sa titig niya.

"Ash, tanggap kita, sumikat ka man o hindi."

"Nagseselos ako eh."

"Kay Leo? Wag ka magselos, kasi inaassure ko na ikaw lang naman ang gusto ko. Wala ng iba. And di rin ako gusto nun. Part lang naman lahat ng act yung ginagawa namin." nginitian niya ako, ngiti na parang inaassure na 'sayo lang ako, no matter what.'

"Sami, I love you."

"I love you too, Ash."

****

[Iya's POV]

"Congratulations!" sigaw ng buong barkada.

We decided to have a mini celebration dito sa bahay nila Pau. Last month kasi ay nagdebut na si Chloe then after a week ng pagdedebut niya si Brent naman ang nagdebut pero di lang siya solo, sinama siya as main vocalist sa isang boy group. Actually, parang biglang sikat nga yung group nila. Biruin mo! One month palang pero ang dami na nilang fans.

Pero syempre nandito rin kami to congratulate Pau and Ashton dahil nagdebut din ang dalawa as duo. Kakalabas lang ng teaser nila kahapon and grabe lang, ang daming tumangkilik! So ayun, pinag-isa nalang ang celebration.

"Pano ba yan, mukang less na ang pagkikita since sobrang busy na ata?" tanong naman ni Ashton

"Hindi yan! Tsaka for sure sa mga music shows magkikita tayo." sagot naman ni Brent

"Nako! Ikaw nga ata ang pinakabusy samin, Brent. Biruin mo, kakadebut palang ng group niyo pero wow sa fans ah." sabi naman ni Chloe na sinang-ayunan naming lahat

"Baka mawalan na ng time sakin." sabi ko naman kaya tumingin sila at sabay sabay na 'ayun eh!'

"Uy, grabe. Di ako ganun noh, tsaka kahit na sino pa ang makasalamuha kong girls ikaw pa rin naman ang gusto ko Iya, walang iba." sagot naman niya sakin. Syempre, kinilig ako tho di ko pinahalata hahaha.

Maya maya lang ay nag-umpisa na ulit na magsaya ang bawat isa. Si Brent naman ay hinila ako sa garden nila Pau.

By the way, inisip ko na palang sasagutin na si Brent ngayon. Actually matagal ko na siyang naisipang sagutin kaya lang nga eh nawawala sa isip ko pag nandun na sa pinakamoment. Pero this night wala ng makakapigil sakin. Bago matapos ang gabing ito, kailangan ko na sabihin sakanyang gusto ko na siya maging boyfriend.

Umupo kami sa bench sa garden and then he held my hand.

"Kamusta ka?" tanong niya sakin

"Okay naman, pagod pero okay lang." nakangiti kong sambit

Hindi na naman siya sumagot pa kaya natahimik lang din ako, tumetyempo kung kelan ko sasabihin na gusto ko na siya sagutin. Pero nagsalita rin naman siya.

"Iya." tawag niya sa pangalan ko

Tumingin ako sakanya at nakatitig siya sakin, yung mga mata niya ang lakas ng dating. Para akong hinihila.

"Kung tatanungin kita ngayon, na kung pwede bang tawagin na kitang akin, papayag ka ba?"

Iisa lang ata ang takbo ng utak namin. Nasense niya atang sasagutin ko na siya.

Pinakita ko sakanyang parang nag-iisip ako, napansin ko naman na parang kinakabahan siya sa magiging sagot ko. Pero syempre oo naman ang sagot ko, pinagtitripan ko lang siya.

Unti unti na rin naman akong tumango kaya ang muka niyang pun ng kaba ay napalitan ng panlalaki ng mata.

"S---so, tayo na? Wala ng bawian!" sabi niya naman habang pinipisil pisil ang kamay ko.

"Oo, wala ng bawian. Simula ngayon sayo na ako at akin ka na. Kaya pag may nagtanong kung may girlfriend ka na, sabihin mong oo, meron na!"

"Yes mam!" sabi niya naman at nagsaludo pa. Siraulo talaga.

Atleast ngayon meron na akong pinanghahawakan kasi girlfriend na ako.

-----

Let's do this!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon