[Pau's POV]
"Ready ka na ba, pre?" tanong ni Ashton sakin
"Oo nga pre, di ka na ba aatras?" tanong naman ni Brent sakin
"Wala ng atrasan to." nakangiting sambit ko naman
"Nag-iintay na mga bisita, tara na pre." nakangiting sabi naman ni Ash sakin
Bumuntong hininga muna ako sa harap ng salamin.
"Let's do this." nakangiting sabi ko sa salamin
Today is my wedding day. A private wedding only.
After 5 years of dating here we are, ikakasal na sakin ang babaeng pinakamahal ko sa lahat.
Mga malalapit na kaibigan lang ang invited. Hindi ako nag-invite ng reporters dahil ayaw ko na ang special event sa buhay namin ay masaksihan ng buong Pilipinas.
Nagsimula na ang tugtog na hudyat na lalakad na ako papunta sa harap ng altar.
Kinakabahan ako at nanginginig ang kamay ko.
Napansin naman ata yun ni Mommy kaya hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.
Ngumiti siya sakin na parang sinasabing, everything will be alright.
Napangiti rin ako sakanya. Hanggang sa dumating na kami sa harap ng altar at tumayo na ako dun para intayin ang pinakamagandang babae sa buhay ko. Si Chloe.
Nagmartsa na rin ang mga bridesmaid and groomsmen. Hanggang sa buksan na ang pintuan ng simbahan. Nandun nakita ko ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Nakangiti siya at nag-umpisa ng maglakad papunta sakin. Kasama niya si Tito at Tita.
Hindi ko mapigilan mapaiyak dahil sa mga nangyayare.
Tinapik naman ako ni Ashton at Brent, sila ang mga bestman ko. Oo, dalawa. Kahit maid of honor ay dalawa.
Napatawa ako dahil di ko talaga mapigilan ang sarili kong mapaiyak dahil sa mga nakikita ko.
Nakarating na sa harap ko si Chloe pero ang luha ko ay nandito pa rin.
"Bat ka umiiyak?" natatawang tanong niya
"Ang ganda mo kasi."
Natawa naman siya ulit.
Kumapit na siya sa braso ko atsaka kami humarap sa altar.
And this is the day I say I do.
****
[Sami's POV]
"San ba tayo pupunta, Ash?" tanong ko sakanya
"Sa secret." sabi niya naman sakin
Ewan ko ba dito, bigla nalang ako sinundo kanina after ng performance namin sa isang music show. Wala naman kaming usapan na magkikita kaya nagulat ako.
Pero mas nagulat ako ng payagan ako ng manager ko. Like, wow.
Tapos kanina ko pa siya tinatanong kung san kami pupunta ayaw naman niya sabihin.
Bigla naman kami huminto sa parang garden restaurant.
Ang gandaaaa!
"Wow, ang ganda naman dito."
Napangiti naman si Ashton sakin.
"Tara na." sabi niya naman
Bumaba siya sa sasakyan atsaka ako pinagbuksan ng pintuan.
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...