[Chloe's POV]
"Okay, so umamin na si Pau sayo?" tanong ni Sami sakin habang pinipigil ang pagkakilig niya.
"Yes." kinikilig na sagot ko
"So kayo na?" tanong naman ni Iya sakin
"Hmmm. Di pa. Nanliligaw palang siya. Pero sasagutin ko rin naman siya." sagot ko naman
"Okay lang ba sa entertainment niyo na magboyfriend ka?" tanong naman ni Sami
"Ummm. Ang natatandaan ko, sabi sakin wag daw muna kasi binibuild pa yung image ko. Pero secret nalang siya if ever na sagutin ko na siya habang trainee pa ako." nakangiting sambit ko naman
"Grabe, may paselos selos pa kayo ni Pau. Hindi niyo alam na muka lang kayong ewan." sabi naman ni Iya
"Pero hoy babae! Balita namin na next month magdedebut ka na at diba sabi mo samin irerelease na yung teaser mo sa next week? Bakit lumalabas labas ka pa na para kang isang malayang mamamayan?" tanong ko naman sakanya
"Eh! Di pa naman lumalabas so technically wala pang nakakakila sakin. Kaya okay lang noh. Tsaka di ko naman igigive up friendship natin noh." nakangiting sambit naman niya samin
"Eh ikaw Sami? Kamusta ba?" tanong ko naman
Pero imbes na si Sami ang sumagot ay inunahan siya ni Iya.
"Isa pa tong si Sami! Di lang yan nagsasabi sayo pero ilalabas na rin ang teaser niya next next week. Sabi niya kasi wag ko raw muna sabihin kahit kanino pero di na ako makapagpigil dahil ikaw naman yan Chloe. Duo sila tapos ballad ang songs na kakantahin nila. Gwapo kaya ng partner niya. Mas matanda kay Sami ng two years." pagkekwento naman ni Iya
"Uy Iya." pagsuway naman ni Sami sakanya
"Bakit di mo sinabi sakin? Pero masaya ako sayo! Atleast nabubuo na pangarap niyo." nakangiting sambit ko naman
"Gusto ko kasi na pag napanood niyo sa tv yung teaser ko magulat nalang kayo." nakangiting sabi niya naman
"Alam na ba ni Ashton?" tanong ko
"Wala pang ibang nakakaalam. Maliba sainyo ni Iya. Wag niyo nalang muna sasabihin ah."
"Hmmm. Bat naman ayaw mo ipasabi kay Ashton?" tanong ko
"Para surprise." nakangiti niyang sambit
****
[Ashton's POV]
It's been two weeks na rin siguro simula nung nagkanya kanya na kami. At simula nung magtraining kami sa mga entertainment namin. As for me and Pau, magkasama kami sa isang entertainment at napepressure na kami dahil kami nga ni Pau ang napili na maging kauna-unahang duo dito sa entertainment na to. Puspusang training ito.
"Tubig oh." inabutan ako ni Pau ng bottled water.
"Salamat."
Ininom ko na ang tubig atsaka naalala na balak na nga pala niya umamin kay Chloe nung isang araw pa.
"Anong nangyari pala nung isang araw? Nakaamin ka ba kay Chloe?" tanong ko naman
"Oo." ngiting ngiting sabi niya
"So proud of you! So kayo na?"
"Hindi pa. Manliligaw palang ako, pinayagan niya ako eh. Kaya gagawin ko lahat para makuha siya." sabi niya naman
Binato ko naman siya ng face towel dahil sa kakornihan niya.
"Break time muna tayo. Pabukas nga ng TV." sabi ko naman sakanya na ginawa rin naman niya.
Gusto ko kasi makita kung sinong mga grupo ang mafifeature ngayon na magdedebut. Merong channel ang Philippine Entertainments kung san dun pinapalabas ang mga bagong grupo na magdedebut tsaka update about sa mga bagong songs.
"Good Afternoon everyone, we will bring you an update about Platinum's newest duo. Here's the teaser."
Sa entertainment to nila Sami ah. Tutok na tutok ang atensyon ko sa panonood.
"Shoot!" sigaw ko
"Pre, si S--sami!" sigaw ni Pau at halos di maipinta ang reaksyon.
"F&L is the newest duo from Platinum Entertainment. Sami France Legaspi is the main vocalist and the main guitarist while Leo Sales is the lead vocalist and the bassist. Thank you for watching Idol Updates."
Hindi ko alam ang irereact ko. Si Sami, magdedebut na.
"Alis muna ako." wala sa sarili kong sambit tsaka kinuha ang gamit ko at umalis.
Sumakay ako ng taxi at sinabing sa Platinum Entertainment ako pupunta.
Saktong pagbaba ko ay paglabas ni Sami mula sa entertainment kasama si Iya at yung lalaking kasama niya sa teaser. Yung partner niya.
Gusto ko siya i-congratulate in person. Pero di ako makalapit sakanya ngayon lalo na't ngiting ngiti siya habang kausap yung Leo.
"Oh? Brent?" tsaka lang napatingin si Sami sakin ng tawagin ako ni Iya.
"Brent, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Sami habang titig na titig sakin.
Lumapit ako unti-unti.
"Congrats. Natutupad mo na ang pangarap mo, Sami." nakangiting sambit ko naman
Ngumiti siya atsaka ako niyakap at bumulong.
"Di ko to magagawa kung wala ka, Ashton. Kayo ni ate ashley, kayo ang inspiration ko."
Gusto ko pa sana siyang makausap pero nagsalita yung Leo.
"Sami, kakain pa tayo diba?" tanong niya
"Ay oo nga pala. Sige, Ashton. Una na kami ah. Labas nalang tayo next time." nakangiting sambit niya
Nang mga oras na yun nakaramdam ako ng inis sa Leo na yun. Sa tingin ko di ko siya makakasundo lalo na't kung ang usapan ay si Sami.
-----
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...