[Iya's POV]
One week. One week na kaming walang pansinan at kibuan. Meron naman pala, pero sobrang tipid lang hindi tulad dati na kasama ko siya sa lahat ng bagay.
Inaamin kong nakakamiss siya.
Sila tita hindi pa rin nakakabalik. Tumawag sila kahapon and sinabi nila na nagkaroon ng problema kaya kailangan pa nilang magstay ng mga one or two weeks dun.
Ang totoo kasi niyan, gusto ko na sila umuwi kasi ang awkward namin ni Brent, at kapag nasa bahay naman kami si Sky at siya lang ang nag-uusap. Minsan nakakaOP na rin at medyo naiinis ako sa nakikitang kong masaya sila habang ako nababalewala lang.
"Okay ka lang?" napatingin naman ako sa nagsalita. Nasa may garden ako ng school dahil free time naman namin.
May shooting kami bukas dahil magcocover kami para sa isang teenager's magazine. Kaya medyo hindi kami pinapagod ngayong araw at ang dami rin naming free time.
"Trina." bulong ko naman sa sarili ko
Umupo siya sa tabi ko at tumingin sakin.
"Ano? Kamusta kayo ni Brent?" tanong niya naman sakin. Alam ko naman na hindi siya concern at halatang nang-aasar lang siya sakin
Hindi nalang ako sumagot para wala ng maging problema pa.
"Ayoko sa lahat yung hindi ako sinasagot."
"Ayoko ng away." sagot ko naman sakanya
Tumayo siya at tinignan ako.
"Buti nga sayo at magkaaway kayo. Malandi ka kasi."
Gusto ko na siyang sampalin pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka magkaroon lang ng problema at hindi pa ako makasama sa shooting namin bukas.
BINABASA MO ANG
Let's do this!
General FictionIba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali ang daan na tinatahak nila. Pero dahil nandiyan sila para sa isa't isa nagawa nilang makamit ang mga gusto nila. Hindi man naging madali sa u...