***
Freya's PoV
Nakakatuwa yung dalawang magkamukha. Si.. Ethan at si Nathan ba? Oo ata.? bakit kaya sila magkamukha?? Nakakapag taka lang..
Napatingin ako kila Nathan at Ethan. Halatang hindi sila masaya sa pagpasok. Hindi kasi sila nakikinig sa teacher. Teacher ba tawag dun??
Pero ang pinag tataka ko, ang dami kasing kanina pa nakatingin sakin na mga lalake. Ang ganda ng ngiti saken. Para silang ewan. Tapos yung mga babae naman ang sama ng tingin sakin. Para ring ewan. Natatakot tuloy ako sakanila. Pero okay lang. Andito naman sila Ethan eh. Sayang nga lang wala si Zach dito. Haay..
Wala na akong nagawa kung hindi ang makinig.
"Since this is the first day of clas, we will going to have---" Inunahan na ni Nathan ang sasabihin nung sir.
"Sir, wala bang magaganap na classroom election???" -nathan.
"Oo nga sir, wala man lang ka-thrill thrill dito."- Ethan.
"Ito pa nga lang eh, sasabihin ko pa nga lang. May magaganap na Classroom election ngayon. At kung wala nang tanong, mag i-start na tayo." Sarcastic na sabi ng sir kila Ethan. Nanahimik ang lahat.
"Good. Now, we will start---"
"Sir! Ang tagal naman mag start.!" Ethan
"Kelan pa mag i-start??" Nathan
Nakita ko yung mukha ng sir namin. halatang nag pipigil ng galit kasi pati yung kamao nya nakasara.
"Lewis Brothers!! Can't you just shut your mouth for 5 seconds!?!?" Galit na sabi ng sir namin kila Ethan at Nathan. Naka-peace sign lang yung dalawa. At hindi na nag salita pa.
"Now, to start the ele---"
"Wooh! Yeah.! Excited na ko!" Ethan
"Hell yeah.!" Nathan
"Why did you just talk?!" Galit na bulyaw ng sir.
"Tapos na ang 5 seconds." Sabay na sabi nila Ethan at nakangiti pa.
"Ugh." Mag sasalita pa sana ang prof nang sumingit ako.
"Uhmm.. sir, please forgive them.. Uhmm.. Pwede na po kayo magpatuloy sa sasabihin nyo. At ako na po ang bahala sa Lewis Brothers.." mahinhin na sabi ko. Napangiti naman si sir at nag salita.
"Thank you miss Freya. Balak ko sanang paalisin yang dalawang yan sa klase ko.. Thank you ulit." Sabi ng prof habang nakangiti sakin. Napatingin naman sakin yung Lewis Brothers.
"Wuy.. Bat mo ginawa yun??" sabay nilang tanong.
"Kasi gusto ko malaman kung ano ang election." Nakangiti kong sabi. Napangiti naman sila at tumutok nalang sa sinasabi ng prof.
"the position for President is now open." Nag sitaasan naman ng mga kamay ang iba.
"Yes, Sheila."
"I nominate blah blah blah." Hindi ko na narinig yung pinag sasabi nung babae dahil kinausap ako ni Ethan.
"Sure kang di mo alam ang election?" Tanong nya. Tumango lang ako. Napa-ahh nalang sila.
"I respectfuly close the nomination."
"I second demotion."
"Who will vote for Aly??" Nag taas ang kaunting kamay. Aaah.! Ito ata yung nabasa ko sa isang libro noon.! Yung.. yung nag boboto sila para kung sino ang mamumuno sa klase.!ganun pala yun.! Yun pala ang Election.!
"Our class president will continue this election." Sabi ni sir. Yung Aly ba yung nanalo? Sya ata. Nakikinig lang ako. Nang maya maya..
"The position for Peace Officer is now open." Sabi nung Aly yung president namin..?
BINABASA MO ANG
That Mysterious Lady
RomanceSi Zach ay isang mafia boss na walang ginawa kundi ang mag laro ng X-box maghapon for the past 6 years. Simula nang mag graduate sya noong 13 years old sya wala na syang ginawa kundi ang mag laro. Hanggang sa isang araw ay nakilala nya si Freya. Isa...