***
Third Person's PoV
Habang Paralyzed si Zach, kanina pa iyak ng iyak si Zyra sa tabi nya. At wala syang ibang sinisisi kundi si Freya. Tatlong araw na rin nang mangyari ang aksidente. At halos araw araw, may bisita si Zach, nagpapasaya at kung ano ano pa. Ang nakakatawa nga lang, ay yung nagpapasaya na sila, pero hindi pa gising si Zach.
Samantala, Si Aaron at Harry naman ay busy sa pag imbestiga kung meron pang nabiktima ng BB00 na inilagay ni Zian.
"So ang pinakamadaling paraan para makapunta sa loob ng isang tao ay sa utak. Dahil sa sobrang liit ng BB00, Malamang magkakasya yun sa tenga papunta sa utak. So, kailangan natin i-scan ang lahat ng nandito. At pati na rin ang lahat ng tao na na-encounter ni Freya. Dahil maaring galit si Zian sa mga ito." Paliwanag ni Aaron sa lahat. Tumango naman silang lahat. Nasa base rin ng Vipers sina Byron, yung kambal, si Markc at Dylan.
Halatang nagulat ang lahat sa inanunsyo ni Aaron. Nag panic ang iba. At yung iba ay nagtatapang tapangan lang.
"Calm down everyone." Sabi naman ni Harry na nasa side ni Aaron. Biglang nagtaas ng kamay si Markc. Tinignan naman ito ni Aaron.
"Kung may balak kayong i-scan ang katawan namin, we'll need a doctor." Sabi naman ni Markc. Napaisip si Aaron. Biglang napangiti si Harry nang may isang pangalan ang sumagi sa utak nya.
"I know one." Nakangising sabi ni Harry.
"Sino?" Tanong ng lahat.
"Just call him, Doctor Jeiz." Nakangiti nitong sabi.
"SI JEIZ?!" Nag react naman agad ang kambal. Tumago tango naman ito sabay dukot ng phone.
.
.
.
.
Jeiz's PoV
"ANO?!?!?!" Gulat na gulat kong tanong sa lalakeng kaharap ko. Ngumiti sya ng malawak.
"Sige na please?" Mag puppy eyes pa ang gago. -.-
"Sige. Ilan ba kayo?" Tanong ko. Nag iba ang ngiti nya. Yung nakakalokong ngiti.
"50,789 lang naman." Nakangiti na sabi nito sakin.
Nanlaki ang mata ko.
"Hoy Harry, wag mo kong pinaglololoko ha. Ilan ba talaga kayo?? Sabihin mo ang totoo." Napakamot sya sa batok nya. Sabi ko na nga nag sisinungaling na 50,000+ lahat ng i-scan k---
"Okay. 80, 789." Bigla akong namutla sa sinabi nya.
"HINDI. Ayoko. Ayoko. Ayoko. Iba nalang ang hanapin mong doctor wag ako.! Ang dami dami.! Sayang effort! Tch." Pagmamaktol ko sabay talikod sakanya. Nasa office kasi kami ng hospital ko.
"Eeeh Jeiz, Ikaw kasi ang naka diskubre nun.! Saka ikaw lang ang kakilala ko na pwedeng pagkatiwalaan." Pag pupumilit nya sakin.
"Hinde. Ayoko." Sabi ko. Inayos ko ang files na nasa table ko. Kanina pa kasi sya pilit ng pilit sakin na mag scan raw ako ng mga utak nila. Baka daw nabiktima rin daw sila. Sino ba namang papayag dun??? Mag isa kang mag i-scan tapos 80, 000 plus sila??? Mas okay nang mag perform ng heart surgery kesa dyan. Tss.
"Kahit... malaki ang ibabayad sayo???" Tanong nya. Akala nya mauuto nya ako sa ganyan nya? Hindi ako isip pera no.
"Kahit malaki pa ang ibayad sakin. Saka sino ba naman kasing tangang doctor na mag papabulag sa Pera? Hindi ako yon."
"Wehh???" Tinignan ko sya.
"Kahit.... isang milyong dolyar ang ibigay sayo??" Nanlaki mata ko.
"I-isang milyong d-dolyar??" Hindi makapaniwalang tanong ko.
BINABASA MO ANG
That Mysterious Lady
RomanceSi Zach ay isang mafia boss na walang ginawa kundi ang mag laro ng X-box maghapon for the past 6 years. Simula nang mag graduate sya noong 13 years old sya wala na syang ginawa kundi ang mag laro. Hanggang sa isang araw ay nakilala nya si Freya. Isa...