59. The Catch

1.9K 40 0
                                    

***
Nathan's PoV

This is not Zach. Ibang iba sya sa Zach na nakilala naming lahat. Kahit kailan hindi sya naging ganito. Yes, he is a gamer, but not a playboy.

"Honey.. Pansinin mo naman ako.." Malanding sabi sakin bg babaeng nasa tabi ko.

"Oo nga bro, Pansinin mo. Binayaran ko yan e." Sabi naman ni Zach sakin. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Oh bakit??" Tsk. Nag tanong pa sya! Akala nya wala syang ginagawang masama??

"I'll pass. Bye." Matigas na sabi ko. Tumayo na ako at pipihitin ko na ang pinto ng..

"STAY." Matigas at seryosong sabi sakin ni Zach. Nilingon ko sya.

"Let's talk." Seryoso kong sabi. He nodded then kissed that girl one last time. He walk towards me. I looked at Ethan. He nodded.

.

.

.

.

"What do you think you're doing?!" Iritado kong tanong kay Zach. Nandito kami ni Zach sa likod ng bar kung saan nakikipaglandian tong lalakeng to sa mga babae.

"What??"

"Wag mo kong ma-what what dyan ha!! This is not you!!" Sigaw ko. ngumisi sya.

"This is who I am. Any prob?" Nakangising tanong nya sakin. Nainis ako.

"YES. Paano na si Freya?! Akala ko ba hindi ka susuko?! Akala ko ba---"

"Maraming namamatay sa maling akala!" Sigaw nya pabalik. Mas sumeryoso ako.

"Zach. Sana naman respetuhin mo si Freya. Hindi yung makikipaglandian ka nalang sakanikanino man!"

"Respetuhin?! Bakit, sino ba sya sakin ha?! Asawa ko ba?? Fiancee ko ba? Gf ko ba???" Sigaw nya. Kitang kita ko sa mga mata nya ang sakit. Ikinuyom ko ang kamao ko.

"She is our friend. Hindi mo alam kung ano ang nangyari, kaya naman respetuhin mo."

"Bakit ikaw? Alam mo ba kung ano ang nangyari?! Saka, wala rin kayong alam kung ano ang nangyari sakin nang iwan nya ako! Bakit ko sya rerespetuhin?!" Napahinto ako sa sinabi nya.

"Sana naman maintindihan mo rin kung bakit ako nagkakaganito. Just let me do what I want to do. Because this is the only way to.. to atleast.. lessen the pain she caused 5 months ago." Then he walked away.

He's right. Iniisip ko lang naman ang kalagayan ni Freya. Ang reaksyon ni Freya kung makita nya man si Zach na nagkakaganito. Sana naman ay maramdaman ni Zach na mahal parin sya ni Freya.

These 5 months, wala syang ginawa kundi ang magbabae. Pumunta sa bar at kung ano ano. Hindi na sya ang Zach na kilala namin. Nag iba na sya. Ibang iba na sya sa Zach noon.

Kailan ka ba babalik, Freya?

Leo's PoV

Limang buwan na ang lumipas. Maraming nag bago. Lumaki na ang tyan ni Freya. At 9 months na sya ngayon. Todo bantay namin ni Alex sakanya. Baka mamaya, manganak na sya.

Sa limang buwan na yun, Walang ibang ginawa si Freya kundi ang mag sulat. Isinulat nya ang kwento nila ni Zach.

Minsan ay hinihimas nya ang tyan nya habang kumakanta.

Malaki talaga yung tyan nya. Malay ko kung bakit.

"Freya," nilapitan ko si Freya habang nag susulat. Mukha ngang patapos na sya sa sinulat nya. I can't say na story sya. I mean, story sya pero diary rin nya.

That Mysterious LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon