9. New Bestfriend?

3.3K 106 4
                                    

***

Markc's PoV

"Ayun sya oh." Tinuro ni Byron kung nasaan si Zach. Nakita naming pumasok sya sa loob ng Dean's Office. Ano ang ginagawa nya dun??

"Tara pakinggan natin." Hinila ako ni Byron papunta sa tabi ng pinto. At mula rito, pinakinggan namin ang sinasabi nila.

"Oh, uhmm.. Mr Dela Fuenza. What brought you here,?" Tanong ng Dean.

"Goodmorning ma'am. Uhmm.. ma'am.. you knew that I have an 120+ IQ am I Right?" Ano?? Yayabangan nanaman nya pati ang dean??

"Uh.. yes. Nakakapagtaka nga kung bakit ka pa pumasok sa kolehiyo kahit pwedeng pwede namang mag trabaho ka na agad dahil sa IQ mo." Natatawa nasabi ng Dean.

"Ma'am.. would it posible to change the year's level of one's person??" Nagulat ako sa tinanong nya dun sa Dean.

"Dude.. sasamahan nya ata si Dylan sa fourth years.. " natawa ako sa binulong sakin ni Byron.

"Yes. If you pass. Kung masasagutan mo yung modules para sa buong third year, Maari kang pumunta sa fourth year" paliwanag ng Dean.

"eh pano kung ang gusto nyang puntahan ay.. pang second year??" Nanlaki ang mata namin ni Byron sabay nagkatinginan. Ano naman ang iniisip ni Zach?? Dahil ba kay Freya?? Hmm.. interesting...

"Okay. Sure. Its really fine but first.. you must answer all the modules for third years."

"Can I take the test right now??"

"Sure you can, Mr. Dela Fuenza. I'll call Second year Section A's adviser right away." Sabi ng Dean.  Nag-signal ako kay Byron na umalis na. Tumango sya. At umalis na kami.

.

.

.

.

Zach's PoV [Present time]

PE namin ngayon and guess what?? Basketball. Yep. For girls and boys. Nagpalit na kami ng damit. Habang nasa dressing room kami, kanina pa ako kinukulit nung sapatos na kambal.

"Hmm... Bakit ka ba nandito??" Tanong ni Ethan.

"Dahil minove ako??" Patanong kong sabi.

"Eeh pano ka napunta dito?" Tanong naman ni Nathan.

"Dahil naperfect ko yung Third year's module? At nag move ako dito. Masama ba??" Nakangisi kong tanong sakanila at isinuot na yung jersey ko. At guess what. Number 14 ako.

"Oo.!" Sabay nilang sabi. Napangiti ako. Sabi ko naman sa inyo eh. Magugulat kayo.

"Wag nga kayong mag isip ng kung ano. Inutos lang sakin ni Zy to." palusot ko.

"Sabi mo eh." Nakangising sabi ng dalawang sapatos. Pinabayaan ko nalang sila. Grabe naman tong jersey ko. Kita yung bandage sa dibdib ko. =____=

*prrrrt!!*

"Hey guys, guys! Time's up. Labas na.!" Sigaw nung prof namin. lumabas na kami. At isa isa may sariling bola. Yung iba nag papasikat eh. Kala mo naman kung sya lang ang may alam ng dribble na yon. Nang nasa Gym na kami, biglang nag whistle yung prof na babae.

*prrrtt!!!*

"Girls girls girls.! Get your balls and proceed to gymnasium.!" Sigaw nung prof na babae. Malay ko ba kung anong pangalan nya?

"Witwiiiwwww.!!" Mag hiyawan yung mga boys nang makita yung suot ng mga babae. Eh pano ba naman kasi, naka short ng sobrang ikli at tinuck in nila yung jersey nila. Nakapony tail sila at may hawak ring bola. Yung ibang babae naman, shinow off pa nila yung damit nila. Yung mga lalake naman masyadong pervert. Tss.

That Mysterious LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon