Janica's POV:
"Teka ikaw yung lalaki na pinapapunta ako dito?"gulat na gulat kong tanong sakanya,habang sya tinitingnan lang ako.Sana lang ikaw yung nagpapunta sakin dito kasi kung hindi uuwi na talaga ako,nakakainis magpara hintay sa wala,kahit naman din kayo mabibwisit mag hintay sa mga taong wala kang kasiguraduhan na dadating
Nanatili parin syang nakatingin sakin"Ha?, ako? hindi kita maintindihan"sabi sakin ni Emman habang nakasuot lang sya ng pambahay.Medyo malapit lang bahay nya dito sa park kaya minsan ganyan ang pormahan nya kapag pupunta sya dito"Pumunta kasi ako dito kasi may naiwan ako dito sa fountain,ayun pala eh"dagdag nya pa,tumingin sya sa paligid at nahanap na nya yung hinahanap nya
"Alis na ako Jai ah ingat ka"sabi nya sakin at umalis na.Habang papalayo sya tinitingnan ko lang sya hanggang sa hindi ko na sya nakikita.Naman oh!pinagloloko nanaman nila ako.Hindi ko na kinaya yung inis ko at umalis na.
"Janica!"rinig kong may tumawag sakin,luminga linga ako para hanapin kung sino yun.Ni familliar na muka wala akong makita,iba na talaga imahinasyon ko,pati sa may tumatawag sakin feeling ko ako na agad.Naglakad nalang ako ulet,pero may naririnig talaga akong may tumatawag sa pangalan ko.Luminga linga ako para hanapin yung boses lalaki na tumatawag sakin
"Ahhh hi C-Chris,hahahaa uy! a-anong ginagawa mo dito?"hindi ko alam na isang gwapong lalaki na pinapangarap ko ang tumawag sakin.Imagine mo,mismong crush mo na ang lumalapit at kumakausap sayo?ang suwirti ko talaga
"Ahhh hahahaa wala nakita kita eh mag isa lang ako ngayon,ikaw pala anong ginagawa mo dito?may hinihintay ka ba?"sabi nya sakin tapos ng smile.Killer smile ba,yung papatayin ka sa kilig.Hahaha tinagalog ko lang.Atlis nakakaintindi na ako ng english
"Ahhh,hehehe wala naman mag-isa lang din ako eh"hahaha kenekeleg na telege ako...Sama nalang kaya ako dito sa gwapong to?feeling ko gaganda ako kapag kasama ko sya.
Kapag kasama mo talaga yung taong mahalaga sayo,yung nagpapangiti sayo.Feeling mo lagi kang nasa langit.Wait,langit na meaning na parang kami lang dalawa ni Chris ok?,hindi yung langit na nafefeel ng mga nag ho-honeymoon.Nakakadiri kaya iyon,for adults only lang.Hahaha naka english ako grabe,libre ko na kayo ng burger dali.
"Janica ano na?"biglang nagsalita yung katabi ko,tiningnan ko sya habang kumakain.May kinakain pala ako hindi ko nanaman nakain ng maayos.Lintik na utak na to ang daming naiisip
"Hahaha eto na kakainin ko na"Dali dali kong kinain yung burger na hawak ko,sya,ubos na kanina pa.Naramdaman kong titig na titig na sya sakin,pinabayaan ko lang sya at nilamutak ko yung burger pati plastik sinaid ko narin,para damang dama.Sayang din naman yung sauce,sayang din yung perang ginastos ni Chris malibre lang ako.
"Halatang ang sarap nung bili nating burger noh?,sabi ka lang kung gusto mo pa"tas nagpasimple syang tumawa,hanggang sa hindi na nya napigilan at tawa na sya ng tawa.Napahawak sya sa tyan nya,di ko naman marinig boses nya.Baliw pala to tumawa,tatawa ng pagka sigla,wala ka namang marinig na boses
Sinamaan ko lang sya ng tingin,sakanya lang ako nakatingin.Napansin nya siguro na nakatingin lang ako sakanya kaya tumigil na "Sorry na,ikaw naman kasi parang lagi kang gutom,pati yung sauce sa plastik di mo na pinalampas eh,kawawa naman yung aso.Di makakatikim ng masarap na sauce,masyado mo ng nasaid"
Huminga ako ng malalim para maka bwelo sa explanation na ibabato ko sakanya "Wala ka na don and,sayang naman yung panlilibre mo kung magsasayang ako"minsan mo na akong nailibre ulet kaya syempre lulubusin ko na,pano pala kung hindi na to maulit diba?
Tumingin lang sya sa paligid"Maggagabi na pala hindi ka pa uuwi?"tanong nya sakin habang titig na titig sa mga puno sa paligid
"Hahaha oo nga pala,gagalitan na ako.Hindi na gawain ng maganda na medyo gabi na umuwi"
BINABASA MO ANG
Its All About Love
Teen FictionAng buong mundo ay punong puno ng pag-ibig.Halos lahat ng tao meron nito.May taong may pagmamahal sa taong mahal nila,sa kaibigan,at pamilya.Mahalagang malaman na ang pag-ibig ay hindi lang sa iisang tao.We need to spread our love,we need to feel th...