CHAPTER 5

20 4 0
                                    

Hmm...Medyo sabaw yung kwento pero keep reading guys.Yaks!nag english ako..Kakalaswa basahin.Basa na mga baet ko ;)

.

.

.

.....

Francis POV:

Napansin ko lang sa sarili ko na mas lalo akong nahuhulog kay Sophia.Girlfriend ko :)Sa tuwing nginingitian nya ako para akong natutunaw.Feeling ko sa tuwing nakikita ko sya,lahat ng nasa paligid ko parang biglang nawawala at sya lang ang nakikita ko.Ganun din ba pakiramdam nyo kapag nakikita nyo yung mahal na mahal nyo?Cornie nga pakinggan pero masisisi nyo ba ako kung inlove na inlove na ako kay Sophia? 8 months na kaming mag on.

Sana sya nalang talaga ang makasama ko pagtanda namin.Gusto ko na sya lang yung babaeng makakasama ko sa lahat ng bagay,gusto ko rin na gigising ako sa umaga na sya lang yung nakikita ko.Gusto ko rin na sya yung mag luluto ng breakfast sakin at yayakapin ko sya mula sa likod.

"Francis anak bumangon ka na jan at malelate ka na"bigla akong nagising sa realidad ng kumatok si mama sa pinto ko.Mama talaga.Wala na akong narinig na salita mula sa labas ng kwarto ko,siguro nasa sala na si mama at kumain na.Lumabas na rin ako para makasabay man lang kumain sakanya

Minsan nalang kami nagkakasabay ni mama kumain tuwing umaga.Madalas nauuna na syang umaalis.Maaga din kasi alis nya dahil sa trabaho nya.Siguro yung huli naming sabay kami kumain is nung pasukan namin.Excited na masyado si mama.Gumising sya nun ng pagka-aga aga at naghanda ng masasarap na pagkain.Special sakin yun kasi masyadong nag effort si mama.Kahit pagod sya pinipilit nya yung sarili nya na gumising ng maaga at magluto ng masasarap na pagkain.Masyado syang na eexcite kasi malapit lapit na daw akong gumadruate sa highschool.

Pag punta ko sa dinning area,napansin ko si mama na ang tamlay at mukang umiyak magdamag.Lagi namang ganyan si mama eh,simula nung nawala samin si papa.Madalas na yan umiiyak,minsan nga hindi na kumakain at natutulog.Nakaka awa talaga si mama,sya nalang ang nagtataguyod.Sya yung nagpapaka pagod mapasaya lang ako,yung makuha ko lang yung gusto ko.

"Mama ok ka lang po?"pag aalala ko sakanya.Ayaw nyang tumingin sakin.Halata naman sakanya na puyat sya at nangingitim na yung eyebags nya.

"Dalian mo na yang kinakain mo,mag aasikaso ka pa"mahinanon nyang sabi sakin.Sinunod ko nalang ang gusto nya.Inubos ko nalang yung kinakain ko at nag asikaso na.Nagpaalam na ako kay mama na aalis na ako.Papalabas na ako ng bahay ng makita ko yung bag at jacket ni mama na nasa sala nakalagay.Imposible na makapunta yang bag na yan jan kasi ako na mismo ang nag-saray sa kwarto ni mama.Umalis ba sya kagabi?Tatanungin ko sana si mama pero hindi ko na nakita sa dinning area.

Lumabas nalang ako ng bahay.Naabutan ko si Manong Jasper na nakangiti,Nginitian ko nalang din at pumasok na sa kotse.Matagal ng driver namin si Manong Jasper,simula nung 10 years old ako.Nagkaroon na non ng permanenteng trabaho kaya nagahanap na si mama ng driver.Kung hindi kasi magagamit masisira lang agad.

"Anak nakita ko mama mo kagabi na umalis.Alam mo ba kung san pumunta yun?"sabi ni Manong Jasper habang nag da-drive.Magkatapat lang ang bahay namin.Dati bakanteng lote yun,nakapundar na sya ng bahay dahil sa pagtatrabaho nya samin.Anak na ang tawag nya sakin kasi tinuring na daw nya ako na parang sariling anak nya.Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa nya dinadala dito yung pamilya nya sa bahay na naipagawa.Pero san naman kaya pupunta si mama?Madalas kasi kapag mag shoshopping sya or aalis ng bahay,gusto nya na kasama ako sa lakad na pupuntahan nya.Muka lang bata pero mas ok na kasama ako para kapag incase na kailanganin nya ako,andun agad ako.para tulungan yung Reyna ng buhay ko.

"Ewan ko din po dun.Mukang galing sya sa iyak kagabi,muka pong magdamag umiyak si mama ko.Parang napuyat papati yun"kwento ko naman

Napatingin ako kay Manong Jasper na tawa na ng tawa.Problema nya?Ang seryoso ko nga lang habang kinikwento sakanya tapos tatawa lang sya?"Ano pong nakakatawa?"seryoso kong tanong

"Wala lang nak.Kasi naman nagtaka ka pang napuyat mama mo ehh kakasabi mo lang na umiyak sya magdamag"tapos tumawa sya ulet.Naku lang Manong Jasper,kung hindi lang kita kilala,baka nabatukan ko na at napagkamalan na kakalabas lang galing sa mental.

Natigilan si Manong sa pagtawa at may tinitigan sa daan."Mukang namumukaan ko yung babae na naglalakad dun oh"Napatingin din ako sa sinasabi ni Manong.Nung medyo papalapit na kami,pinahinto ko yung sasakyan at lumabas.

"Sabay ka na"alok ko sakanya,pero sinimangutan nya lang ako at nagsimula nanamang maglakad.Hinabol ko naman at hinawakan ang braso nya

"Ano ba Francis,hindi kita pinapakealaman ahh"sigaw sakin ni Janica.Bakit ba to laging nagagalit sakin?Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganyan na sya ngayon.Wala akong alam kung bakit bigla nalang syang aalis sa tabi ko at hindi na ako kakausapin.Pano pala yung friendship na nabuo namin?Pano pala yung mga nakakabaliw na araw na kasama yung dati kong kaibigan?Siguro kailangan ko din malaman ngayon.

Hindi ako mapakali,sa tuwing nakikita ko sya.Parang bumabalik lahat ng masasayang alaala namin.At napapa isip na Bakit mo ba ako iniwasan ng ganun ganun nalang?Alam mo ba na nasaktan ako sa ginawa mong pag iwas sakin ng hindi ko alam?Nangyari na sakin noon at nangyari nanaman ulet.Wala na ba akong matitinong kaibigan na lagi lang nasa tabi ko at lagi akong tinutulungan?

"Gusto ko lang na sumabay ka sakin papuntang school.Yun lang"mahinahon kong sabi sakanya.Bigla naman syang nanahimik at nag-isip.Mag iisip ka pa?Ehh wala ka namang utak minsan.Hehehe joke lang,wag nyo akong isumbong na sinabi ko yun ah.Malilintikan ako,baka mas lalo pang lumayo sakin yan si Janica.

Wala na din siguro syang nagawa kaya sumakay na din.Pero kagaya nung una nyang sakay dito,nasa gilid lang sya,dikit na dikit yung katawan nya dun sa salamin.Kala mo naman iiwan sya nung salamin.Sige na sayo na yan,ibibigay ko na yan sayo kung gusto mo.

Tahimik lang kami dito sa loob ng kotse.

Pagtigil sa tapat ng school bigla naman syang bumaba at nagpasalamat kay Manong Jasper.Dapat sakin sya nagpasalamat at ako na mismo ang nag-alok sakanya na sumakay dito sa kotse ko.

"Manong bat sayo nagpasalamat si Janica?Diba dapat sakin?"inis na tanong ko kay Mang Jasper.

"Anak kase naman ako yung nagmamaneho,syempre sakin nagpasalamat at ako ang nagmaneho sakanya papuntang school"sabi at biglang natawa.Tawa nanaman si Manong.Hinayaan ko nalang at lumabas na sa kotse at dumiretso na sa room ko.Sakto naman pagpasok ko nag time na.

Natapos na ang maghapon namin ng hindi ko nakita si Sophia.San nanaman kaya nagsusuuot yun?Nanlalandi nanaman yata sa mga lalaki.Mahilig sa lalaki yun eh,hinahayaan ko lang kasi mahal ko sya.Lahat gagawin ko sa mahal ko,mapasaya ko lang sya.Hindi ko sinasabi na malandi na malandi talaga ah.Wag nyong masyadong huhusgahan girlfriend ko kung ayaw nyong abangan ko kayo sa kanto....

Paglabas ko sa school,inaantay ko lang si Manong Jasper na dumating.Tinext ko sya na sunduin nya ako.Pero hanggang ngayon wala pa akong tawag man lang o text galing sakanya.Nakarecieve ako ng text galing kay mama

Fr:Mamako

Baby boy.Sorry,hindi makakapunta jan si Manong.Take care always baby boy.Mama loves you :*

Cornie ni mama noh?Ganyan sya ka sweet sakin.Wala na rin naman syang ibang pagtutuunan ng pagka malambing nya kundi sakin lang.Dati pa naman syang malambing samin ni papa.Hindi sya papayag na hindi kami magkakaroon ng family bonding every week.Iba magmahal si mama,as in kakaiba talaga,lalo na kay papa.Parang wala na rin makakapantay kung gaano nya mahalin si papa.

Nagsimula na akong maglakad.Medyo gabi na ako ng makalayo layo na sa school.May napansin akong naglalakad sa unahan ko.Estudent din ng MC,makisabay nalang kaya ako dun para naman may bago na akong kaibigan.Nung nakalagpas na sya sa kanto,may sumunod sakanyang lalaki,mukang adik at lasing.Ng makalapit sya dun sa babae bigla nya agad idinikit yung katawan nya.

Agad akong tumakbo para tulungan na yung babae.Hindi ako papayag na basta basta nalang babastusin ang mga babae.Lagi sakin pinapaalala ni mama na ingatan ang babae,kahit hindi pa ito kaano ano.

=========

Bitin nanaman ba ulet?Sige na payagan nyo na ako.Para naman mag abang abang kayo.Hehehe.Vote and comment ;)UD po ako agad

*majai*

Its All About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon