CHAPTER 14

20 4 0
                                    

Janica's POV:

Kelangan ko na ba ngayon mag pa fiesta sa mga kaganapan ngayon?Kelangan ko na bang magdiwang ngayon?Kelangan ko na bang mag diet ngayon?Sa lahat lahat ng pwedeng makasama mo sa iisang room bakit sya pa?Pwede naman ibang tao nalang na hindi ko kilala atlis hindi ako mabibwisit.Pero sya?Ay aba.Kung di ko lang sya kilala baka napagkamalan ko syang manyakis,magnanakaw.

"Miss sadista,bakit nakabusangot ka jan?"tanong nya

"Tigil-tigilan mo nga akong dugyutin ka,di ka nakakatuwa"pagmamataray ko sakanya.Na trap ba naman kami sa iisang room?Tapos sya kasama ko.Isang dugyotin ang kasama ko.Tanga tanga kasi nung guard bigla nalang sinarado itong room

Foundation day ngayon kaya lahat ng estudyante dapat nasa quadrangle.Bawal daw tumambay sa loob ng room.Ehhh sa maaga akong pumunta dito sa school simula 5:00 am nag aasikaso na kami para sa event na to.Volunteer lang ako,kulang sila sa pag aayos dito ehh,masyado akong napagod kaya humanap ako ng magpapahingahan ko.Nakita ko yung room sa 3rd floor walang katao tao,bukas din yung room kaya pumunta ako sa kagilid gilidan nitong room para magpahinga,pero nakatulog lang ako.Nagising nalang ako na nasa harapan ko na yung dugyot na yun at naka ngisi pa.Pinagtripan pa ako ng hinayupak na yun

"Miss sadista naman ano nanaman ba ginawa ko sayo?"tanong nya sakin habang nasa may pinto sya nakatambay,pumunta na sya don ng titigan ko na sya ng masama.Aba tama yan dugyotin matakot ka sa mga tingin na to kase nakakamatay talaga to.Ewan ko ba sa dugyotin na Lance na to kung bakit naisip nyang pumunta dito

"Ehhh sa ayaw kong makita yang dugyot mong muka,may magagawa ba ako?"pagtataray ko pa sakanya.Nakaka irita talaga na dugyot makasama mo ngayon.

"Tatanga tanga kasi ehh pwede naman matulog nalang mamaya at dito pa talaga nandayuhan matulog"bulong nya.Hanep hindi ko masyado naintindihan sa kahinaan ng boses

"Hoy dugyot!Kung ano ano nanaman pinagsasabi mo jan.Kapag ako hindi makapag timpi sayo,ihahambalasong ko sayo tong back bone ko ng makita mo"nakangisi lang talaga sya sakin,nakatingin lang,nakaka putae talaga tong si Lance,kung kelan stress na stress ako saka naman magpapakita sakin.

Tumayo nalang ako para makapag libot dito sa loob ng room,tumingin nalang ako sa bintana para makita kung ano na ang kaganapan.Shete bente otso,bakit walang tao?Bakit parang tapos na yung program?parang wala ng taong dumadaan daan man lang.Shet magdamag ba kami ni Lance dito?

"Hoy sadista ano tinitingin tingin mo jan?"tanong nya

lumapit sya sakin at nakitingin din kung ano tinitingnan ko.Pagharap ko sakanya,sabay din namang tumingin sya sakin kaya sobrang lapit na namin sa isat isa.Tinulak ko sya bigla,pero syempre mahina lang"A-aahhh eehh anong oras na?"

"Kung magtatanong ka kung tapos na ang foundation day?Oo kanina pang 1:00 pm"sabi nya

Binatukan ko nga.Tanga tanga nagtatanong ako ng oras hindi kung tapos na ba ang foundation day"Bobo much kuya?Dugyotin na nga bobo pa.T*ng*!nagtatanong ako kung anong oras na"panunupalpal ko sakanya.Gago ehh oras lang tinatanong ko

"Dun din papunta yun magtatanong ka din naman sakin na kung tapos na ang foundation day kaya inunahan na kita"nakakainis na talaga.Binatukan ko ulet,galeng kausap.Ang tino sumagot nakakamangha

"Bobo much sabing oras muna,mamaya na yan..Di mo kase ako pinapatapos eh"sabi ko"Anong oras na ba?"

Kinuha nya yung phone nya sa bag at binuksan"Hmmm.It's already 3:00 in the afternoon"sabi nya

"Ok.Tapos na ba yung foundation day?"Tiningnan nya lang ako at napangisi.Sige dugyot ako bahala sayong inisin ka

"Tapos na"tipid nyang sabi sakin.Bigla syang tumawa.Tae,naka shabu na ba tong kasama ko

Its All About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon