Janica's POV:
Hindi ako mapakali ngayon.Parang may kung ano sa dibdib ko na nagpapasikip.Sana kung ano man to sana mawala na.Naisip ko na lahat ng pwedeng magpasikip ng puso ko pero wala eh hindi ko talaga maisip.Wala lang siguro akong utak kaya wala na rin akong matinong pag iisip.
Pumasok nalang ako sa room.Kakatamad namana ding tambay sa canteen,lagi nalang pagkain ang nakikita ko dun kaya laging ubos ang pera ko eh.
Pagpasok kong room nakasalubong ko yung feeling maganda at feeling sexy kong kaklase"Uy Jai hinahanap ka nung barkada mo"sabi ni gurl na akala naman ang ganda.
"Oo bhe hanap ka nakailang balik na sa room kakahanap sayo"sabi ni gurl na feeling sexy.
"Pakealam nyo?hindi nyo na kailangan pang sabihin sakin yan keh bye"sabay inirapan ko sila parehas.Kakabwisit pampasikip pa lalo ng dibdib yung dalawang impakta na di mo maintindihan ang mga ugali.Madalas silang lumalabas dahil sa pabalik balik nila sa CR.
Napahinto ako at naupo.Kaya siguro ganito ako kasi tungkol sa CR na yan.Hindi ko napigilan yung sarili ko at naiyak nalang.Naalala ko na Mismon itong araw na to yung may ginawang kasamaan yung Sophia na yun.Mas lalong sumikip yung dibdib ko.Nagpaalam nalang ako sa adviser na masama ang pakiramdam ko.Pumayag naman sya at pinauwi na ako.
Pag uwi ko ng bahay dumiretso ako agad sa kwarto at umiyak nalang ng umiyak.Hindi ko lang mapigilan na Kung bakit pa nangyari lahat ng yun.Halos mapatay na ako si Sophia sa kagagahang ginawa nya.Halos di na ako makapag aral ng maayos dahil sa ginawa nya sakin
"Subukan mong lapitan o kausapin man lang si Francis.Hindi ka na makakalabas ng school na to.Mark my words Janica"
Sa tuwing naaalala ko yung mga sinabi nya Parang nagsisi ako kung bakit nagkaroon pa ako ng interes para makausap si Francis.Inaamin ko oo Nagustuhan ko si Francis dahil sa ang bait nya.Lalo na nung mas nagkausap at madalas kaming magsama mas lalo ko syang nakilala mas lalo ko syang nagustuhan.Pero ng malaman lahat ni Sophia.
Pumasok ako sa CR dahil naiihi na ako.Malamang ano pa nga ba ang ginagawa ng mga pumupuntang CR diba?Palabas na sana ako ng pumasok si Sophia na masama ang tingin sakin"Hindi ka ba nadadala sa mga masasama kong tingin sayo?
Kinabahan naman ako bigla dahil kaming dalawa lang ang tao dito sa CR"Ha?hindi kita maintindihan Sophia.Wala akong ginagawang masama sayo,ni hindi nga kita pinapakealaman eh"
"Wag ka ngang mag maang maangan na parang hindi ko alam ang lahat"May tinapon sya sakin na envelop.Binuksan ko yun at tumambad sakin ang samut saring pictures namin ni Francis.Aba namang babaeng to.Kabata bata pa may alam na sa mga ganto
Tiningnan ko lang sya ng seryoso"Sino nagbigay nito sayo?at saka ano namang connect nito sayo?"tanong ko
"Alam na ng buong Grade 7 na kami na ni Francis.Ow..Mukang hindi ka nainform sa balita ko sayo.Yung lalaking nilalandi mo lang naman ehh boyfriend ko"At tinulak ako.Ang lakas ng tulak nya kaya napaupo ako sa sahig at ang swerte ko kasi basa pa yung sahig.Nainis na ako bigla sakanya.Tumayo ako at nilapitan sya
"Wala akong pakealam kung kayo na ni Francis"Kahit sa kaloob looban ko masakit kasi hindi ko alam na yung lalaking gusto ko may mahal na palang iba"Ano naman ang mapapala ko kung kayo ni Francis?Yayaman na ba ako jan?At saka Wala akong nabalitaan na kayo na pala.Pero take note Wala akong pakealam.Hindi ko na kasalanan kung yang utak mo ang daming naiisip.At saka wait lang ah Landi?ako ba talaga yun?ohh ikaw?"
Tinulak nya ulet ako pero this time Tumama na yung ulo ko sa sahig.Medyo nahilo ako pero nilabanan ko lang.Lumapit sya sakin at sinabunutan pa ako.Hindi ako makalaban dahil hanggang ngayon nahihilo parin ako.Hindi ko na kinaya at napapikit na ako.Bago sya umalis narinig ko pa yung huli nyang sinabi sakin" Subukan mong lapitan o kausapin man lang si Francis.Hindi ka na makakalabas ng school na to.Mark my words Janica"At tuluyan na syang umalis at nawalan na rin ako ng malay
Hindi ko napansin na basa na yung unan na maliit na iniiyakan ko.Bakit kailangan pang paulit ulit na maisip ko yun?Sa bawat araw na lagi kong iniisip yun mas lalo akong nasasaktan.Mas lalong lumalalim yung sakin.Feeling ko kahapon lang nangyari lahat.
Francis layuan mo na ako.Tumakbo na ako pero hinabol nya ako "Bakit?anong nagawa ko?Sorry sa lahat kung may nagawa man ako.Pero wag mo naman akong layuan.Ilang araw ka ng ganyan sakin.May problema ba?"Tanong nya.Hindi ako tumitingin sa mata nya dahil alam nya kung nagsisinungaling ako o hindi
"May mga bagay talaga na hindi na pinagpapatuloy.Tulad nitong pagkakaibigan natin.May mahahanap ka pang mas better na bestfriend kesa sakin"sabi ko at tuluyan ko na syang iniwan.Hindi na ako nagpaparamdam sakanya.Hindi na ako sumasali sa mga sports kasi alam ko andun sya at kasali sya.Hindi na ako lumalabas ng room.Minsan hinahanap nya ako,tumatago na ako agad sa likod ng pinto.Ginawa ko lahat para lang maging ligtas ako.Kung patuloy lang akong lalapit sakanya baka nga hindi na ako makalabas ng tuluyan dito sa school.Napag alaman ko lang na gumagamit sya ng drugs.Bali-balita lang naman sya pero nakakatakot pano pala kung gumagamit sya.Simula non naging tahimik na ako.Hindi na ako naging kilala sa school.
Mas masakit yung lumayo ako sa kaibigan ko.Nung tumatagal na naging kaibigan ko si Francis hindi ko na rin inasam na magiging kami.Mas ok na sakin yung magkaibigan nalang kami.Mas ok yun kasi walang hahadlang sa oagkakaibigan namin kesa sa pakikipagrelasyon.Pero akala ko lang na walang makakahadlang pero meron pala.
Umupo na ako at tumingin sa harap ng salamin.Tama na Janica,tapos na yung pangyayaring yung iniiwasan mo na mana si Francis diba?Kaya wag kang matakot na mangyayari ulet yan ok Janica?Tumayo na ako at pinunasan yung huling luha na tumakas sa mata ko.
BINABASA MO ANG
Its All About Love
Teen FictionAng buong mundo ay punong puno ng pag-ibig.Halos lahat ng tao meron nito.May taong may pagmamahal sa taong mahal nila,sa kaibigan,at pamilya.Mahalagang malaman na ang pag-ibig ay hindi lang sa iisang tao.We need to spread our love,we need to feel th...