CHAPTER 35

6 0 0
                                    

Janica's POV:

"Seryoso anak kayo na talaga?"Nagulat si mama sa dalang balita ko sakanya,pati ako nagulat nanaman ulet,di na matapos tapos lagi akong nagugulat.

"Oo ma"

"Anak mahal mo ba?"

"Ma,mahal ko siya bilang malapit kong kaibigan,yung nararamdaman ko sakanya noon matagal na yun matagal ng nawala yun ma"Napayuko nalang ako

"Alam mo nak ok na ok talaga sa akin si Francis,alam mo naman fan ako ng loveteam niyo pero hindi mo pala mahal bakit binoyfriend mo?"Halatang seryoso na yung pinag uusapan namin pero hindi niya talaga tinanggal yung loveteam na yun e.

"He insist ma.Hindi ko po yun ginusto yung mga naging desisyon niya.Pero masyado pong mapilit at gusto po niyang iparamdam sa akin kung gaano niya daw po ako kamahal"

"Pero alam mo naman sa sarili mo na hindi mo siya mahal at masasaktan mo lang siya"

Yun na yung point ko ayaw ko na masakatan siya ayaw ko na ganun ang mangyari yung nabuo naming friendship pwedeng masira.

"Alam ko po yun ma pero sadyang mapilit talaga yung unggoy na yun.Pinagbigyan ko lang po"

Matapos ang mahaba habang usapan ay nagpaalam ako na lalabas.Sa Linggo aalis na kami at guess what,martes na ngayon.Bakit ba ang bilis lang?Nakakamiss gusto ko na maiyak.Nagtext ako kay Francis na lalabas lang ako saglit

To:SuperManBoyfie

Hi labas muna ako ng bahay,papahangin lang

Pakana niya yan,siya  na mismo nagpalit.Wala mana din akong magagawa magagait siya kapag umapila ako

Fr:SuperManBoyfie

Sige po,punta ka sa park.Mabuti at nakabihis na ako otw na ako dun,antayin kita.Iloveyou :)

Hindi na ako nagreply at naglakad na paputang park.Napag isip isip ko ngayon na ok din naman pala kasama si Francis,and I'm ok with his company,I feel safe din naman kapag kasama siya.

Papalapit palang ako sa may fountain ay nakita ko na siya agad.2 days na kaming mag on kaya medyo nasasanay na din kasama siya

"Hi"

"Upo ka sa tabi ko may dala akong pagkain"Napangiti ako kaagad kasi tatlong burger yung dala niya

"Para saakin ba yung dalawa?"

"Ay hindi,sabi naman sayo wag masyadong maraming kinakain makakasama yun sayo"Medyo nalungkot ako sa sinabi niya at nahalata naman niya iyon.

"Hindi pwede SuperGirl,ayaw ko na lumaki ka di naman bagay sayo"Tapos tumawa siya

"Bakit ba nang aasar ka?Hindi ba dalawa sa akin?Edi bibili ako,hindi naman mahirap bumili,nasa tapat lang ang bilihan"Tumayo na ako at nagsimulang naglakad

Talagang hindi siya sumunod saakin,tss nakakainis na.Pagkatapos kong bumili ng isa ay bumalik na kung saan ako naka upo.

"Ano nakabili ka na?Anong magagawa kapag dalawa ang nakain mong burger?healthy ba yan?diba hindi naman?Tss.Minsan naman sumunod ka sa sinasabi ko,para din naman yun sa ikabubuti mo"Napatingin ako sakanya,seryoso ba siya?At talagang pinapagalitan niya ako

"Ano ba yan!ang lakas mo naman at may gana ka pang pagalitan ako."

Pansin ko sakanya na nagsimula na siyang tumawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!!!!Ang SuperGirl ko nagagalit na,halika nga dito nagagalit ka nanaman sa akin."Hinila niya ako at agad niya akong niyakap.

"Hindi porket niyakap mo ako mawawala na agad ang galit ko?As if?Ang kapal talaga"Kumawala naman ako agad sa pagkakayakap ko sakanya

"Grabe ka naman,sorry na po.Para sayo naman talaga tong isang burger at alam ko na gustong gusto mo to"At ibinigay na sa akin ang isang burger.

"Sayo na yan,hindi ko na kayang ubusin ang tatlo"

"Tampuhin naman talaga ang SuperGirl ko,akin na to di mo na kayang ubusin to e,baka di ka pa makalakad papauwi sainyo" Panay lang ang tawa niya.Bahala naman siya sa buhay niya.

Namimiss ko si Chris.Naalala ko nanaman sya.Alalang alala ko pa na dito kami nagsimula,sa paburger niyang libre sa akin.Yung mismong dito din sa lugar na to kung bakit mas lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya.Na hanggang ngayon mahal ko pa rin siya.

May mga mali ba akong nagawa?Hindi pa ba sapat yung mga nagawa ko para lang na maramdaman niyang mahal ko siya at siya lang?Yung mga pinagdaanan namin,hindi man lang ba niya iyon pinahalagahan?Everyday I woke up I always remembered how he broke my heart and everyday in my life is uncompleted without the man I loved,the man I loved who I love the most.

"SuperGirl?bat ka umiiyak?ok ka lang ba?" Gumising ako sa realidad at napansin ko na namamasa na ang pisngi ko.Grabe,iyak na pala ako ng iyak hindi ko lang napansin.

"A-ano,wala naman to.May mga bagay lang talagang mamimiss ko dito sa pinas,remember?next week na kami aalis."

"Oo nga e.Pano yun?" Bigla siyang nalungkot habang nakatitig sa akin.

"Hindi ko din alam" Matipid kong sagot.Panigurado naman na magsasawa din siya saakin at maiisip na makipaghiwalay lang sa akin.Katulad lang ng ginawa sa akin ni Chris.Eto nanaman ako Siya nanaman ang bukang bibig.Tama na please...

"Tara lakad lakad na tayo dito para naman kapag alis niyo na,maaalala mo 'tong araw na magkasama tayong dalawa na naglalakad na magkawahak ka-,"

"Seryoso?Ang baduy mo" Hindi ko na siya pinatapos sa sinabi niyang yon at magsalita naman ako agad non.Sinong di mababaduyan doon.Hindi ako sanay na marinig ang ganon ka badoy na paglalambing.

"Mahal kasi kita kaya pagbigyan mo na,masanay ka na rin na ako na ang magsasabi ng mga yon" Bahagya niyang ginulo ang buhok ko."Alam at ramdam ko pa rin naman na hindi mo pa ako mahal ng higit pa sa kaibigan at alam ko din naman na mahal mo pa siya"Bakas na rin sakanya yung kalungkutan niya

"Ano ba yan ang drama nating dalawa.Kung naglalakad lakad na kaya tayo no?Sana ang dami na nating napuntahan" Tumayo na ako at hinawakan ko yung kamay niya at nagsimula ng tumakbo.

Habang tumatakbo kami ay panay lang ang tawa ni Francis halos mahingal na siya kakatakbo "Ano Janica? Di ka ba napapagod tumakbo?hinihingal na ako sayo.San ba tayo pupunta?

Nahalata ko na rin na pagod na nga siya sa kakatakbo.Doon talaga ako nasanay,madalas tumatakbo ng mahaba.Kailangan ko na din sigurong sanayin ang sarili ko na yung mga gawain ko kay Chris wag ko nalang gawin kay Francis,iba sila.Pero sana sa tamang panahon matutunan ko rin siyang mahalin.

"Halatang pagod ka na ah,dito ka muna bibilhan kita ng tubig" Akmang aalis na ako ng pigilan niya ako.

"Ako nalang ang bibili"

"Napagod ka sa pagtakbo.Di ka naman pala sanay sa pagtakbo di ka man lang nagsabi"

"Di ko naman alam na tatakbo tayo" Sambit niya habang pinaglalaruan niya yung kamay ko.

"Ako na nga lang po kasi ang bibili.Andyan lang naman sa may kanto, di kalayuan naman yun.Sige na,para di ka na mapagod" Tumingin pa siya sa akin habang nag iisip at nananatiling pinaglalaruan niya ang kamay ko.

Napabuntong hininga siya at saka tumango"Sige,pero pera ko ang gagamitin mo hindi yang sayo ok?"Bumitaw na ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at nagsimula ng maglakad.

Habang naglalakad ako ay biglang nag vibrate ang cell ko.

Fr:SuperManBoyfie

Take care of yourself please,I don't want to lose you,I Love You.

Francis talaga may mga naiisip na ding pakulo,akala ko naman ay hindi to marunong

To:SuperManBoyfie

I will :)

*sent*

=========

Its All About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon