Christoni's POV:
"Janica!PLS!Kausapin mo ako!"Paulit ulit nalang akong sumisigaw sa labas ng gate nila Janica pero hindi man lang niya ako magawang kausapin
"Chris."Bigla nalang lumabas si tita Anna at lumapit saakin "Wag na muna ngayon anak.Kung totoo yung sinasabi mo na wala lang maghihintay ka hanggang sa handa na siyang pakinggan mga dahilan mo.Pasensya na talaga"Pagkatapos nyang magsambit ay pumasok nalang din siya sa loob ng bahay nila.
Hindi ko naman ata kakayanin na ganito nalang kami ni Janica.Kakarating nya lang tapos ganun ang madadatnan niya sakin.Umalis nalang ako at nagsimula ng maglakad,ano nalang pwedeng plano ko?Kung pati ang mga kaibigan ni Janica galit sakin hindi nila ako pinapakinggan.Ayaw ko na puros ganito.Gagawa ako ng paraan para lang mapakinggan nya ako
Francis POV:
"Hindi ko talaga mapapatawad si Chris sa ginawa nya kay Janica" Narinig ko na nag uusap usap yung mga barkada ni Janica
"Anong meron?"Tanong ko sakanila.Nagulat pa sila ng makita nila ako
"Wala ka na dun.Tara na"Sambit ni Hanna at nagsimula na silang maglakad.Hinawakan ko bigla si Alexa sa braso kaya napalingon sya sakin
"Ano ba Francis!"
"Kausapin nyo ako!Anong meron?May ginawa bang masama si Chris?"
"OO!Kung alam lang namin na sila papala ng Joanne na yun sana hindi na namin sya tinulak palapit kay Chris"-Alexa
Sinasabi ko na nga ba.Totoo yung mga iniisip ko na sasaktan lang nya si Janica.Iniwan ko na silang tatlo at pumunta na sa bahay nila Janica.Sakto nga naman papaalis palang si Chris.
"Hoy!"Sigaw ko at agad ko naman syang sinunggaban ng mga suntok
"AKALA KO BA HINDI MO SASAKTAN SI JANICA?ANONG GINAWA MO NGAYON HA!MAGSALITA KA"Sunod sunod lang ang mga pagsuntok ko sakanya.Wala siyang imik kaya mas lalo ko pa syang sinuntok.Papatayin kita
"Noon palang sinabihan na kita na layuan mo si Janica pero hindi ka nakinig,kilala mo ba sarili mo?Alam mo!?Isa kang malandi ni hindi ka makuntento sa isa!"Ng naramdaman ko na masakit na kamay ko tsaka ko na siya tinigilan.Puro dugo na ang muka nya pero nagawa parin nyang tumayo at hinarap ako
"Tapos ka na ba?nakukulangan pa ako,sa susunod na manununtok ka siguraduhin mong patay na ang abot ko..Ang bakla mo sumuntok"Sabi nya tsaka sya naglakad palayo medyo pagewang gewang pa syang maglakad.
Dumiretso na ako kaagad sa bahay nila Janica at pumasok.Nakita ko ang nanghihinang Janica na halos mamatay na kakaiyak.
"Anong nangyayari sayo?"Tanong ko tsaka lumapit sakanya.Ng mapansin nyang nakalapit na ako sakanya bigla naman nya akong niyakap
"Tama ka totoo nga yung mga sinasabi mo"Hinayaan ko nalang sya hanggang sa nakatulog sya.Inihiga ko nalang at umalis na.
Christoni's POV:
Bakit ba hindi nya ako kausapin kaya ko naman patunayan sakanya na totoong sya lang ang mahal ko na sya lang ang mamahalin ko.Dahil lang ba sa nakita nya?Kailangan ko lang din sigurong mapag isa muna para maisip kung ano pwede kong gawin.Dumiretso nalang ako sa park at pinagmamasdan ang nasa paligid
"Mukang mag isa ka ata?"May biglang babae na yumakap sa likod ko at agad ko namang tinulak palayo.
"Joanne?Ano ba kasing ginagawa mo dito?"Akmang aalis na kaso bigla nya akong hinila at hinalikan ako sa pisngi
"Anong nangyari sa muka mo?Bakit puro galos yan?Tara gagamutin natin"Hinawakan naman nya ako kaagad sa braso.Pero tinulak ko sya agad kaya napaatras sya ng bahagya
BINABASA MO ANG
Its All About Love
Teen FictionAng buong mundo ay punong puno ng pag-ibig.Halos lahat ng tao meron nito.May taong may pagmamahal sa taong mahal nila,sa kaibigan,at pamilya.Mahalagang malaman na ang pag-ibig ay hindi lang sa iisang tao.We need to spread our love,we need to feel th...