Janica's POV:
Buti nalang nakaalis na ako sa tabi ni Francis.Kung di ako nakapag pigil baka nayakap ko sya.Kung tutuusin dapat hanggang ngayon magkasama parin kami.Pero di naman pwede eh,masyadong mahirap na bumalik kami sa dati naming pagkakaibigan ni Francis.Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad ko,bahala na kung san ako makapunta basta maglalakad lakad lang ako.Exercise ba para makapag ready ako bukas sa foundation.
Narinig kong nag vibrate cellphone ko.Wag kayo nadala ko yan ngayon.Hahaha.Pagtingin ko nagtext si SuperMan.Ang dami na pala nyang text,sorry na nakatulog lang.
Fr:SuperMan
Hey miss beautiful text tayo.So boring.HAHA.
Fr:SuperMan
Why?May nagawa ba ako?ReplY plz.Huhuhuhuhu.
Fr:SuperMan
Ok ok.Im so sorry miss beautiful,antayin nalang kitang mag text
Hanep na to.Galing mambola,kahit di pa kami gaanong nakakapag text ng matagal napaka gaan na ng loob ko sakanya.Nireplayan ko naman sya agad
To:SuperMan
Hey!Text?Sorry may ginawa lang hehehe
*sent*
Di nagtagal nag reply naman sya agad
Fr:SuperMan
Hi miss beautiful :)
Natawa naman ako agad sa text nya.Hanep pafall,as if na mafall ako sakanya?Nye nye ng muka nya.Ang pangalan ko at ako ay nababagay lang kay Christoni Villasana.Isipin mo sa future magiging si Janica Ramirez Villasana.Nuks!Ang gondo bogoy Dobo.hihi kenekeleg nenemen ako.
To:SuperMan
Ikaw ah.Akala ko may girlfriend ka?
*sent*
Teka?Parang nangingialam na ako sa taong to.Pero hayaan mo na.Friends mana ata kami kaya pwede na.Napatigil ako sa paglalakad ko ng mapansin ko na nasa 3rd floor na pala ako nakaabot.Babalik na sana ako sa baba ng makita ko yung nakabungguan ko noon at nakaaway ko sa Park.Pakshet yan,abat dito pala sya nag aaral.Tiningnan ko lang sya hanggang sa nakalapit sya sakin
"Ohh,dito ka pala nag aaral?"Panimula nya sakin.Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa nakita ko.Ang Cool nya manamit,bagay na bagay sakanya yung uniform.Ang GWAPO!
"Huy ano na?"Sabi nya at kumaway kaway sya sa muka ko.Napaatras naman ako ng bahagya sa ginawa nya
"O-oo,b-bakit?Bawal na ba ditong mag-aral?Wag naman mautal Janica jusko!
"A-alis na ako"sabi ko sakanya at tinalikuran na sya.Nagulat ako nung papalapit sakin si Francis pero mas nagulat ako noong lumapit sya doon sa Tisoy na dugyotin.Naka nganga lang ako sa nakita ko.Seriously?close sila?
"Janica,magkakilala kayo ni Lance?"Sabi sakin ni Francis.
Aba Lance pala ang pangalan netong dugyutin na to"Hayaan mo na pre,tara na"Sabi nung dugyot na Lance.
"Teka lang nga"pagpigil ko sakanila"Sa tingin mo ganon ganon nalang yun?Ehh halos parang binastos mo na ako eh.Nagsorry ako ng maayos pero nagnitaray ka pang dugyot ka"Hindi na ako nakapag pigil eh,nasigawan ko na yung dugyot
Nakita ko si Francis na tumatawa"Anong nakakatawa sa sinabi ko?"Nakakainis na
"Hinde,kasi naman ikaw pala yung sinasabi ng pinsan ko na --,"hindi na nya natapos yung sinasabi nya at biglang tinakpan ni Lance yung bibig ni Francis.Ano nanaman kaya tong kalokohan nila.Di ako nainform,magpinsan pala sila.Di ko matake grabe lang talaga,halata talagang magpinsan sila halata sa mga pag uugali nila.Kung si Francis Unggoy si Lance naman dugyot.
"Ewan ko sainyo maka alis na nga"Nilayasan ko na silang dalawa,narinig ko sila na nagsisisihan,well wala na akong pake don.nakakapang init ng ulo.
Pumasok nalang ako sa room kung san andon ang nga wild kong kaibigan.Pagpasok ko,nakita ko sila na ang tahimik.Himala ang mga kaibigan kong animal nananahimik,mga problema daw nila.Lumapit ako at dahan dahang umupo.Biglang nag vibrate ang cellphone ko.Sayang kukulitin ko sana sila
Fr:SuperMan
Wala naman akong girlfriend kakabreak lang namin,ok na yun nasasaktan mana din ako eh na habang sya masaya na sa iba
Fr:SuperMan
Hey miss beautiful reply na agad
Fr:SuperMan
ok I'm sorry naiistorbo na ata kita I'll wait your reply :)
Grabe tinadtadan nanaman ako ng texts,sayang break na sila nung girlfriend nya,mareplayan nga
To:SuperMan
Slr.Anong nangyari sainyo nung girl?
Fr:SuperMan
Wag na nating pag usapan,past na sya para sakin na hindi na dapat binabalikan,kung babalikan mo lang ng babalikan paulit ulit ka lang masasaktan dahil sakanya.kaya nga nauso ang MOVE ON para makalimutan yung mga masakit na alaala kasama sya at patayin yung pagmamahal para sakanya
To:SuperMan
Grabe naman yang hugot mo tagos sa balun balunan ko.Hahaha :)
Minahal siguro nito yung girl
To:SuperMan
Grabe sinayang ka nung girl.Almost perfect ka na para sa mga ideal guy ng mga babae pero pinakawalan ka pa.Hays sinayang lang nya talaga
Pakatotoo lang tayo,sinayang kasi nung girl.Kung ako sakanya hindi ko na yun papakawalan.Ehh ang problema di naman kami saka hindi ko pa sya nakikita in person.
Fr:SuperMan
Hayaan mo na nakulangan pa siguro sya ng effort tsaka ng atensyon kaya humanap ng iba.Ok na yun kung san sya masaya don na din ako
"Janica!"Biglang may tumawag sakin.Pagtingin ko sa paligid ko wala ng tao.Shete bente otso lang talaga bat hindi ako nag aalam na uwian na pala.Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Chris na kumakaway kaway sakin.
Lumapit ako sakanya ng may pagka alangan.Aba ikaw ba naman lalapit sa gwapong to,di ko keri to aba."Kanina pa ba nag uwian?"Tanong ko sakanya.Nasa loob parin ako ng classroom tas sya nasa labas.kumbaga isang pinto pagitan namin.Magulo ba?yaan nyo na,kenekeleg ne kese ekesh.
"Oo kanina pa kung di ako dito napadaan baka gabi na busy ka pa sa cellphone mo.Hahaha.Kunin mo na bag mo sabay na tayong umuwi"Pag aaya nya sakin.Kinuha ko agad yung bag ko at nginitian sya.Nauna na syang naglakad,ganun na din ako sinabayan ko na syang maglakad.
"Uy!Hahaha,musta ka na?"Tanong ko.Wala ang tahimik kasi nakakabingi lang
Tiningnan nya ako at ngumiti tas bigla syang umiwas pero still,nakangiti pa rin sya"Ayun ok lang naman,at saka makatanong ka parang di tayo nagkikita araw araw ah"At tumawa sya walang kaboses boses.Bangag ba to?
"Nagkikita nga di mo naman ako kinakausap"Kepine pabebe alert na to.
Bigla nya akong inakbayan"Naks namiss ako ng bestfriend ko"Masaya nyang sabi.Awch friendzone.Shaket na po
"Ahhhehehe oo namiss kita"Sabi ko sabay batok.
Tinggal naman nya agad ang pagka akbay sakin ng makalabas kami ng campus."Kaya mo na bang unuwi?"Tanong nya.Ano bata pa ba ako para ihatid?
"Oo kaya ko na mukang may pupuntahan ka pa eh"Muka naman talaga eh halata sakanya
"Oo eh pinapasama ako ni mommy may bibilhin daw sya"Aniya,pero bago sya umalis inakbayan ako ulet ay ginulo yung buhok ko.Tinanggal nya agad yung pagkakaakbay at tuluyan ng umalis.Hindi ako agad nakagalaw sa nangyari kanina.Dalawang beses nya akong inakbayan.Grobe de ko ma take huhuhuhu.Keleg keleg keleg keleg na telege here.
======
May nagbabasa pa ba ng story ko?Hayaan na hahaha kung sino man po ang bakakabasa ng story ko pls kahit vote nalang para ganahan ako kaligayahan ko po yun hehehe
*majai*
BINABASA MO ANG
Its All About Love
Teen FictionAng buong mundo ay punong puno ng pag-ibig.Halos lahat ng tao meron nito.May taong may pagmamahal sa taong mahal nila,sa kaibigan,at pamilya.Mahalagang malaman na ang pag-ibig ay hindi lang sa iisang tao.We need to spread our love,we need to feel th...