Janica's POV:
Umagang umaga ay bumungad agad sa akin ang sinag ng araw,sabagay ano pa nga ba, alangan bubungad sakin yung madilim.Hyst.Tumayo na ako at lumabas na,yung mga naiwang gamit ko dito ay nakasaray na,lahat ng mga mahahalagang gamit ay inilagay ko na sa kahon.Yung mga bagay na naibigay ni Chris sa akin ay itinago ko din.Dadalhin ko din.
Alam ko sa sarili ko na nagmomove on ako pero walang masamang itago ang lahat ng bagay na pwede kong maalala sa tamang panahon na lilipas.
"Anak tumawag si Vina,gusto sana niyang makasama ka pagpalengke niya ngayon,wala si Francis umalis at may importante daw na lakad." Sabi ni mama at lumabas sa kwarto niya.
"Ay sige ma thanks.Teka po,san ka pupunta?"
"Aalis din ako syempre,jamming jamming sa mga highschool friends ko"
"Sige po." Nag asikaso na din ako kaagad ng makaalis si mama.Alam ko din naman na aalis si Francis,nagpaalam siya sa akin kagabi.
Nabalitaan ko din naman na hindi sanay si Tita Vina na mamalengke mag isa,madalas ay lagi siyang may kasama kung hindi ang anak nya ay yong mga kaibigan naman.
"Anak!Dito!"Narinig kong may sumigaw.Kakababa ko lang sa tricycle at hinanap ang pinanggalingan non.
"Tita!"Kumaway ako at lumapit na.
"Kanina pa po kayo dito?sorry po medyo nalate ako ng pagdating"
"Hayaan mo na yun hija.Di bale,tuturuan nalang kita kung pano mamalengke para naman kapag mag asawa na kayo ng anak ko ay marunong ka na."Nanlaki naman agad ang mata ko at napatingin sa kanya
"Tita naman.HAHAHA"Nakakahiya naman to dapat di na ako sumama.
"Osya tara na"At nagsimula na din kaming mamalengke.
Super dami kong natutunan,kung ano ang mga sariwa at hindi at kung paano din ang pagtawad ng mga paninda.Natapos na kaming mamalengke kaya ang pagod pero nakakaenjoy
"Ano anak napagod ka ba?"
"Medyo po pero nakaka enjoy naman" Abot tenga ang ngiti ko sakanya.
"Dito muna tayo" Napahinto kami sa isang karenderya at dito din ako madalas kumain kapag inaabot na ng gutom.
"Sige po ok po ako dito" Inilagay ko sa ilalim ng lamesa ang lahat ng pinamili namin.Panandaliang umalis si tita para umorder.Habang ako ay nakaupo lang dito.
Kinuha ko ang cellphone ko na baka sakaling nagtext si Francis,pero wala.Kaya ako nalang ang nagtext
To:SuperManBoyfie
Andito kami sa karenderya na lagi kong kinakainan,kasama pa rin naman si tita treat niya daw
*sent*
Di ko mapigilang basahin ulet yung conversation namin ni Chris,gabi gabi bago ako matulog ay inuulit ulit kong basahin para man lang mapanatag ang loob ko.Kaso pagkatapos kong basahin lahat ng yon ay iiiyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.Alam ko na mahigit dalawang buwan na din noong nagbreak kami.Na nawala na lang lahat ng pinagsamahan namin.
Habang tumitingin tingin ako sa paligid ay may namukaan akong isang babae sa kabilang table na nag iisa.Ng mariin ko siyang tingnan ay namukaan ko na.
"Tiffy?" Bulong ko sa sarili ko.Siguro ay narinig niya kaya napatingin siya sa gawi ko.
"A-ate Janica?" Medyo nag aalangan pa siyang tingnan ako pero lumapit na ako agad at niyakap siya.
"Ate Janica kamusta ka na po?Namimiss na po kita"
BINABASA MO ANG
Its All About Love
Teen FictionAng buong mundo ay punong puno ng pag-ibig.Halos lahat ng tao meron nito.May taong may pagmamahal sa taong mahal nila,sa kaibigan,at pamilya.Mahalagang malaman na ang pag-ibig ay hindi lang sa iisang tao.We need to spread our love,we need to feel th...