CHAPTER 20

16 3 0
                                    

Janica's POV:

Kakatapos lang ng recognation namin,and guess what?Top 2 ako sa klase.Yehey!!Ok na yun di naman kasi ako ganun katalino para maging Top 1.

And by the way nga pala,nakilala na din nila mama si Chris na manliligaw ko.Ok lang naman sakanila,may tiwala naman sila sakin na alam ko ang mga limitasyon at saka marunong akong mag balance ng time sa pag-aaral at sa alam nyo na.

"Tita solohin ko muna etong babaeng to,namiss ko kasi eh"Sabi ni Francis kila mama.

Close kasi sila mama at tita Vina eh,mama ni Francis.Kaya eto kasama ko sya.Pumayag agad si mama at tiningnan lang ako.

Alam ko nanaman ang mga titig ni mama,jusko!May nanliligaw na sakin pero boto parin sya kay Francis,super big fan sya ng loveteam namin.PWE!

"Buti naman at nasolo na kita"masigla nyang sabi sakin.

Kakainis,dapat si Chris kasama ko ngayon eh!

"Ano naman nakakatuwa dun?"

"Aba syempre nasolo na kita na walang Chris at walang Lance na mangangailam.Just the two of us"-Francis

"bangag ka ngang unggoy ka!"Sabay binatukan ko.Sabagay namiss ko nga sya.Kaibigan ko nga pala to

"Balita ko top 1 ka daw"Tanong nya

"Oh?San mo naman nabalitaan yan?"

"Top 1 ka daw dito oh"Tinuro nya yung puso nya.Binatukan ko nga,baliw talaga to kaya maraming nafafall sakanya eh pafall na masyado lintek yan.

"Hehe"Sarcastic kong sabi sakanya.Kapal ng muka eh

"Bahala ka nga sa buhay mo hahanapin ko nalang si Christoni"Akmang aalis na ako pero agad nya akong pinigilan.Nakita ko yung expression ng muka nya at sobra na yung galit nya.

"Chris nanaman ba?Yang gagong Chris nanaman ba?Janica nabubulag ka ba?"

Eto nanaman tayo eh,nasasaktan na ako.Gusto ko ng maliwanagan para matapos na to.

"Tama na ayaw ko ng isipin yan nababaliw na ako kakaisip kung ano ba talaga yang mga sinasabi nyo kay Chris ang sakit nyo sa ulo!!"Sa totoo lang gusto ko nanamang umiyak,napapagod na nga ako kakaiyak.Kagabi lang umiyak ako

Walang paramdam sakin si Chris hanggang ngayon di ko pa sya nakikita,ang nakakainis lang nung tinawag sya sa section nila as Top 8 sa klase nila eh saktong nasa CR pa ako,gandang tadhana noh?Masyado kaming pinagtatagpo.Ni text nya wala akong matanggap sa tawag nya lagi akong naghihintay wala naman.

Unti unti ng tumulo ang mga luha ko,lahat na ng hinala ko na siguro nga laruan lang din ako kay Chris mukang nagkakatotoo na

"Hoy,bat umiiyak ka na jan?"Sabi ni Francis,still galit parin sya.

Tumakbo nalang ako papuntang Park,since dun naman talaga kami papunta.

Umupo ako sa may fountain at dun ko na binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko

Naramdaman ko na may tumabi sakin,hinayaan ko nalang kasi alam ko naman na si Francis lang yun.

"Uy sorry na"Agad nya akong niyakap.Di ko napigilan at niyakap sya pabalik,sa ganitong problema lang ako nangailangan ng karamay.

Its All About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon