Janica's POV:Ilang araw na simula ng makauwi na kami ni mama,panibago na naman para sa akin.Di na rin kasi ako nasanay na magsalita ng english.Lam nyo naman ang lola nyo Janica naninibago na.
Pero wala namang pinagbago yung mga kaibigan ko ay kaibigan ko pa rin.Na yung pamilya ko ay masaya pa rin at buo.Kahit na wala na kami ni Chris ay kinakaya ko naman at kakayanin ko.
Ilang araw ng lumilipas ng mapansin ko na masyado ng palasagot si Jhana kila mama.Medyo bastos na,wala ng modo.Siguro hindi naman napapansin ni mama,di naman din kasi siya ginagalitan at pinagsasabihan.Tuloy tuloy lang ang buhay namin hanggang isang araw ay narinig ko na nagsasagutan sila papa.
Agad ko naman silang inawat at tinanong kung ano bang nangyayari.
"Just leave us alone ate"Mariin nyang sabi sa akin.
"Hindi naman yata pwede yun?May karapatan din naman siguro akong malaman kung anong nangyayari.Diba pa?"
Hindi sumagot si papa at nanatiling nakatingin ng masama kay Jhana.
"Anong nangyayari dito?Anak?ba't ka umiiyak?" Lumapit si mama kay Jhana para patahanin sa pag iyak.
"Pa anong nangyayari dito?Tanong ni mama kay papa.
"Matagal na niyang gawain na umalis ng walang paalam na madalas ilang araw bago bumabalik"Sabi ni papa
"Nagpapaalam ako!BUT YOU DIDN'T HEARD IT!"Bulyaw naman ng kapatid ko"I always told you na sa kaibigan lang ako pupunta"Hirit nya pa.
"Gumalang ka sa papa mo"Sabi ni mama at nagsimula ng tumulo ang luha.
"Why would I respect him?If he didn't respect my words?"Bumitaw siya sa pagkakahawak kay mama tsaka na umalis.
--------------
Siguro mahigit isang linggong hindi kami sabay sabay kumakain.At isang linggo ko ring hindi nakikita ang kapatid ko.Sabi naman ni mama ay umuuwi naman siya kaso ayaw niyang magpakita.Late na siyang umuuwi at maaga siyang umaalis.
Isang araw na lumipas ay umalis si mama at papa.Kailangan daw nilang kausapin yung Kaibigan nila para makapagtayo na ng negosyo.
Kaya ngayong araw,solo lang ako dito sa bahay.Ganito naman talaga ang tema ko noon palang na lagi na akong mag isa.Para may mapaglibangan ako ay tumawag ako kay Tiffy via skype.
"Hi Tiffy!Kamusta na?"
Halatang miss na miss na niya ako dahil halata naman na napapaiyak na siya"Ate Janica!Grabe namimiss na kita."
"Wag ka ng mag inarte.HAHAHA"Parehas naman kaming natawa.
"Teka Tiffany"
"Ate naman oh!Ayaw ko ng ganyang pangalan,ok na ako sa Tiffy mas komportable ako doon."
"Asan nga pala si tita?"Tanong ko
"Ah ayun kasama si ate Joanne.Alam mo ba ate naiirita na ako dito kapag nakikita ko yan si ate Joanne.Wala kasi akong tiwala sa kanya ate parang ano ba ate.Yung Libog lang?"
"Pasaway kang bata ka.Hindi naman libog yun.Grabe ka!Kabata bata mo pa alam mo na yan.Mahal ng kuya mo ang ate Joanne mo"
"Kadiri di ko ate yun.Kung sakali man AMPON SIYA!Di sya belong dito sa pamilya namin"Nairita siya sa sinabi ko dahil ngayon ay mukang diring diri pa sya.
"Teka?Bat magkasama si tita tas Joanne?"Nadidiretso ko na bang banggitin mga pangalan nila?Siguro ay tinanggap ko nalang din ang katotohanan.Kesa naman na nilalason ko ang sarili ko sa pagmamahal ko para sa kanya habang siya masaya na.Kailangan lang talagang makisabay, at mukang nakakasabay na ako.
BINABASA MO ANG
Its All About Love
Genç KurguAng buong mundo ay punong puno ng pag-ibig.Halos lahat ng tao meron nito.May taong may pagmamahal sa taong mahal nila,sa kaibigan,at pamilya.Mahalagang malaman na ang pag-ibig ay hindi lang sa iisang tao.We need to spread our love,we need to feel th...