Janica's POV:
Tumatakbo yung oras pero ako hindi ko parin alam kung pupunta ba talaga ako sa park.Masyadong delikado lalo na't gabi na.Oo nakakatakot pero anong ginagawa ko dito sa park at hinahanap si SuperMan.
Alam ko delikado pero hindi ko din naman alam kung bakit bigla bigla nalang akong napapunta dito,biglaan talaga siya.Ewan namalayan ko andito na pala ako.Bigla nalang nagvibrate yung cellphone ko.Si SuperMan nag text
Fr:SuperMan
Kahit anong oras hihintayin kita.Handa akong maghintay makita ka lang
Napabuntong hininga nalang ako sa text nya,pano ba naman medyo madilim dito sa park.Sa takot ko ay tumawid muna ako sa kabila para bumili ng pagkain.
Habang lamon lang ang tema ko ay nireplayan ko na sya
To:SM
I'm here
*sent*
At lumamon nanaman ulet ako.Ang bilis lang,nakapagreply sya agad
Fr:SM
Talaga?Nasan ka?andito ako sa fountain.Hurry!I want to see you
Medyo napangiti naman ako kaya tinext ko lang sya ng tinext sabay kain.
Diretso lang akong naglalakad habang nakikipagtext at kumakain ng may bigla nalang umilaw ng sobrang liwanag
*BBBBEEEEEEPPPPP*
.
.
.
.
.
.
."Minnie ko?" Bigla nalang binanggit ni Chris ang pangalan ko kaya ako ay naghanap naman
"Mickey!" Sigaw ko nang makita ko sya.
Ang higpit ng pagkayakap sakin parang ayaw na akong pakawalan.
"Mahal na mahal kita tandaan mo yan.Kahit anong pagsubok mang dumaan saatin makakaya at kakayanin,basta tayong dalawa ang magtutulungan.Nagawa ko na ring ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal.Naipakita ko na rin sa Diyos kung ano ang totoo kong intensyon sayo,pati na rin sa lahat ng tao na nasa paligid saatin.Saksi sila ng pagmamahalan natin kaya sana mas tumagal pa tayo hanggang dulo" Pabulong lang na banggit saakin ni Christoni
Nagsisimula na ding tumulo ang luha ko sa sobrang saya "Alam mo nung natutunan mo akong mahalin,mas nagkaroon pa ako ng dedikasyon sa pag aaral ko.Gagawin ko ang lahat para lang sumaya ka.Saksi din ang mga taong nasa paligid natin kung gaano kita kamahal at gaano mo ako kamahal.Mahal na mahal kita Christoni Villasana,sana nga malampasan natin yung mag pagsubok na dadating saatin" Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sakanya.
"Love?" May bigla nalang isang babae na pumunta sa gitna namin.
"Love?Tara uwi na tayo.Bakit kasama mo yang babaeng yan?Diba ako lang mahal mo?noon pa?" Dagdag pa nya at hinila na palayo saakin si Chris
"Chris!"Iyak na ako ng iyak.
"Janica!Hoy!"Bigla nalang akong nagising sa pagyugyog saakin.Napamulat nalang ako ng mata ko ng maisip ko na isang panaginip lang pala lahat.
Unti unti kong pinunasan ang bawat luha na lumalabas sa mga mata ko.Tiningnan ko ang paligid.Teka?Bakit nasa ospital ako?Nakita ko din na may nakatusok sa kamay ko.
"Anong nangyari saakin?"Seryoso kong tanong kay Francis na ngayon ay seryoso lang na nakatingin saakin.
"Nadisgrasya ka na't lahat si Chris parin ang iniintindi mo?Kelan mo kaya iisipin yang sarili mo,Ha!?"Medyo napataas na din yung tono ng boses nya habang matalim ang mga tingin nya saakin.Nagulat din sya siguro sa nagawa nya kaya natahimik sya at napayuko nalang.Nagkaroon ng napaka ingay na katahimikan sa paligid.
BINABASA MO ANG
Its All About Love
Teen FictionAng buong mundo ay punong puno ng pag-ibig.Halos lahat ng tao meron nito.May taong may pagmamahal sa taong mahal nila,sa kaibigan,at pamilya.Mahalagang malaman na ang pag-ibig ay hindi lang sa iisang tao.We need to spread our love,we need to feel th...