CHAPTER 16

15 3 0
                                    

Janica's POV:

Pano ko ba sisimulang ligawan si Chris?Chos lang naman.Kase nemen eh inaya nya ako na lumabas daw kami.Alam ko bata pa kami para gawin tong labas labas na to.Pero nag aaral po ako ng mabuti, lagi akong top 1 or 2 hanggang 3.Kaya dont judge me,ok?So eto na nga talaga lumabas nanaman kami ni Chris,like thizizis no tologo.Emeged na talaga.

"Bakit ba tayo lumabas?"Pabebe kong tanong sakanya.Hayaan nyo na ako kinikilig pa ako,malay mo di na pala to maulit diba?Lubusin ang pagiging pabebe dahil minsan nalang biyayaan kaya tanggapin nalang

"Ay ayaw mo ba?Tara sa loob nalang tayo"Sabi nya at tumawa,ano pa nga bang aasahan ko?Tatawa nanaman ng walang ka boses boses

"Wag,sa labas nalang para expose ang kagandahan ko"Pagmamalaki ko naman.Bigla syang naubo na parang nasusuka.Ano bang nakakaubo at nakakasuka sa mga sinabi ko?Na maganda ako?Bakit hindi nga ba ako maganda?Comment nga kayo kung maganda ba talaga ako oh hinde,sige na konting tulong naman oh para samin ni Chris

"Pasok na tayo sa restaurant mukang gutom ka na eh"Inalalayan nya akong tumawid,nasa tapat na kasi namin yung resto eh kaya kinikilig nanaman ako.Ano bang konek?Syempre alalayan ka ba naman diba?Wag assuming kaya ka nyan inalalayan kasi matanda ka na,tumigil kang impakta ka dika maganda.Wow naman konsensya ngayon pa ba eeksena ka nanaman?Nakakahiya naman parang di naman tayo magkamuka.Hindi ako mananahikik hanggang sa hindi ka din mananahimik,Wag mokong idamay sa kabaliwan mo dahil kung wala ako wala ka na din aanhin pa ako diba?Aish!!ok ok bahala ka sa buhay mo.

Inalalayan nya ulet ako sa pag upo,oo inalalayan ako dahil matanda na ako ok na konsensya?masaya na ha?So eto na talaga umorder na kami ng kakainin namin

"Yaman mo naman Chris,medyo mahal kaya dito sa resto na to.Minsan nga lang ako dito makakain,kung makakakain man ako dito isang spagetti lang tapos tubig nagkakahalagang 120 pesos pa"Nginitian nya lang ako,iba talaga kapag mayaman eh,ngingitian lang ako

Hindi naman nagtagal dumating na din order namin,gusto nyong malaman order namin?Wag na ikakain ko nalang to yaw kong idescribe senyo

"Kamusta ka?"Tanong nya.

"Grabe ka,parang magkasama palang tayo ng nakaraan tapos tatanungin moko nyan?"Laptrip lang talaga

"Wala lang,namiss ko kasi bestfriend ko"Ngumiti lang sya at kumain na.Nagsimula na din akong kumain,medyo nahurt kasi ako sa bestfriend eh.Hanggang dun nalang ba talaga Chris?Kelan ko ba maririnig sayo na "Mahal kita" "Ipaglalaban kita" "Pagtatanggol kita" at higit sa lahat"Kahit anong mangyari akin ka lang mamahalin kita hanggang sa huling hininga natin,dahil ako at ikaw ay para sa isat isa"

"Ok ka lang?Hindi ba masarap yung pagkain?Kung gusto mo hanap nalang tayo ng pwede nating kainan"Nag aalala nyang tanong.Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung ok lang ako sa mga sinabi mo kanina.Namimiss moko kasi bestfriend mo lang ako?Shaket kaya non.

"Aa-ah?Masarap kaya sya"Sisimulan ko na sanang kainin ng madali yung kinakain pero ng hawakan nya ako sa braso.Chris naman kung sinabi mo sakin kung pwede akong hawakan,pinahawakan ko na sana sayo kamay ko jusko naman Chris bat braso lang?

"Just to remind you Jai that were here in resto ok?Wala tayo sa labas na pwede mong lamutakin yang pagkain na yan"Napayuko sya at ngumiti saka nya pinagpatuloy yung kinakain nya.

Bat ba kase ang jologs ko minsan,mamaya na tuturn off na pala sya sakin

"Ok Mr.Villasana,my nose is bleeding ok?stop speak in English"Ohh kitam?Wala akong talent sa english na yan.Napansin ko na namumula na sya.Uy baby ko kinikilig ka ba sakin?

Its All About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon