Janica's POV:
Nainis sakin si Chris nung nakita nya yung malaking maleta sa kwarto ko.Natawa nga ako eh ngayon nya lang nakita yun eh almost one week ng nakatambay yan dyan.
Ibabalik na sana nya yung gamit ko sa drawer ng malaman namin na mamayang gabi na yung flight namin.Oo maski ako nagulat ang akala ko bukas pa.
Sana first day na namin ng tropa sa school pero bukas sila sila nalang ngayon yung magsasama sama at ako na yung aalis,gusto ko na sanang maiyak pero hindi eh.Kinikilig ako.Ikaw ba naman tinititigan lang ni Chris
"Wala ka na bang sawa na titigan lang ako?"Medyo naiirita na din ako,minsan iniisip ko may masama ng balak sakin to di nya lang sinasabi sakin.E sa nakakatakot naman,nagpapakita sya ng motibo ng mga nakaraan para naman daw maalala ko.Nakakainis lang pero medyo sweet.HAHAHA.
"Bakit naman ako magsasawa?Eh simula bukas di ko na yan makikita?"Bakas sakanya yung lungkot.
Pati din ako nalulungkot baka nga any moment maiyak nalang ako.Pero nagpangako kami sa isat isa na walang iiyak dahil wala naman daw yun magagawa masasayang lang daw yun.
Teka?Naalala ko!
MONTHSARRY NAMIN NGAYON!
Chineck ko kaagad yung phone ko para masure ako sa date.Pero di ako nagkakamali monthsarry nga namin.Napatingin sakin si Chris at nakitingin din sa cellphone ko pero agad kong tinago yun at nginitian sya.
"Bakit Min ko?Anong meron sa cellphone?May nagtext sayo?Sino?Lalaki ba yan?Amin na ako na magrereply"
"H-hindi,walang nagtetext sakin saka pinalitan mo na yung sim ko diba?"Oo pinalitan na nya nakakainis nga,buti nakita ko pa yung sim ko at mairegister dito yung number ni SuperMan.
"Sure ka jan ah"
"Opo saka bakit pa ako maghahanap ng ibang katext kung anjan ka na?"Niyakap ko lang sya ng mahigpit
"Teka?May naaalala ka ba ngayon?"Pasweet kong tanong sakanya.
"Ahh wala naman"
Whut!?Seryoso?Eh kapag monthsarry na namin madalas sya talaga ang unang babati saming dalawa.Tapos ngayon wala man lang syang maalala?
"YOWN!Bawal maglandian dito sa Park"
Halos napatalon kami sa gulat sa sumigaw.Ok andito ang mga baluga kong kaibigan
"Bakit ba kase kayo andito?"-Chris
"Oo nga sinusundan nyo ba kami?"
Nagtinginan lang sila sa isat isa at nagsitawanan lang.Ano naman ang nakakatawa sa mga sinabi namin?
"Sa pagpunta nyo dito sa park wala kaming alam"-Alexa
"Sa paglandian nyo sa park wala kaming kinalaman"-Hanna
"At saka excuse us?Teka tama ba?Eh basta!Hindi naman sainyo tong park kaya may karapatan kaming pumunta dito"-Emman
Edi nagtulungan nanaman silang tatlo.Palagi naman ano naman bago dun diba?
"At saka ano ba fafa Chris aalis na mamayang gabi yung kaibigan namin pero hanggang ngayon kayong dalawa parin ang magkasama.Hindi na ba kayo nagsasawa na mayat maya nalang kayong naglalandian..Ay! este nagkikita?"-Alexa
Tumawa lang ako at bahagyang lumayo kay Chris,nakayakap pa kasi ako sakanya.
Bigla nalang akong tiningnan ng masama.
Anong problema nya?
Tiningnan ko lang sya na Anong-problema-mo-look.Pero inismidan lang ako.Ano ba nangyayari sakanya?
BINABASA MO ANG
Its All About Love
Teen FictionAng buong mundo ay punong puno ng pag-ibig.Halos lahat ng tao meron nito.May taong may pagmamahal sa taong mahal nila,sa kaibigan,at pamilya.Mahalagang malaman na ang pag-ibig ay hindi lang sa iisang tao.We need to spread our love,we need to feel th...